Kapitan ng lantsa, sinaksak; patay

NAGA CITY – PATAY ang kapitan ng lantsa matapos itong pagsasaksakin kamakailan sa Corner Caceres St., Dela Rosa Compound – Service Road, Dinaga, sa lungsod ng Naga.

Ang biktima ay nakilala na si Redentor Cride, 43, ng Parian St., Paracale, Camarines Norte.

Malubha namang nasugatan ang kasamahan nitong si Joel Coltivo, 41, ng San Francisco, Baao, Camarines Sur matapos magtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad nahuli ang isa sa mga suspek na kinilalang si Jesus Abesa, 20, ng barangay Egualdad ng nasabing lungsod.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak.

Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iinuman umano ang grupo ni Abesa nang mapag-initan ang mga biktima.

Sa ngayon, hindi pa rin makumpirma kung bakit napunta sa lungsod ang mga biktima habang patuloy namang iniimbestigahan ang tunay na dahilan sa likod ng nangyaring pamamaslang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.