Kapitan ng Barangay, Itatalaga na Lang

KUNG NANAISIN NI Pangulong Noynoy Aquino, maaari siyang magpapasa ng batas sa Kongreso na magtatalaga o mag-a-appoint na lang ng kapitan ng barangay, sa halip na magkaroon pa ng eleksiyon. Ito umano ang nakikitang solusyon ng isang pribadong think tank ni dating Justice Secretary Alberto Agra, ang Forensic Law and Policy Strategies Inc. (Forensic Solutions).

Sa isang policy paper ng Forensic Solutions na may pamagat na “Appointive Barangay and SK Officials and SK Abolition Possible,” sinasabi na tahimik ang Konstitusyon sa usapin sa paghalal o pagtalaga ng kapitan ng barangay.

“The silence of the 1973 and 1987 Constitutions on the manner by which particular local officials may be selected is therefore telling. This means that Congress and the Batasang Pambansa, in the exercise of their plenary authority and legislative control, have the discretion to provide for the manner by which local government officials, including those at the barangay level, are chosen,” sabi ni Agra.

Ipinaliwanag pa ni Agra na puwede ring ayusin pa ng Kongreso ang kasalukuyang sistema ng barangay sa pamamagitan ng paglalagay ng bise ng punong barangay, o paglalagay ng fixed term ng barangay officials, halal o in-appoint, sa tatlo, lima o pitong taon.

Nauna nang sinuportahan ng Malacañang ang posisyon ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na ituloy ang barangay elections, pero kailangang amyendahan ang batas kaugnay ng Sangguniang Kabataan elections, at magkaroon na lang ng isang kinatawan ng kabataan.

Gayunman, patuloy na itinutulak ng Senado at Kongreso ang pagpapaliban ng barangay elections sa 2012 para makatipid ang gobyerno.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.