Kapitan at treasurer, patay sa ambus

PATAY ANG ISANG barangay chairman at treasurer nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin sa Masbate, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jose Pepito y Tulod, 45 anyos, Chairman; at  Perlito De Leon y Aboado, 26 anyos, Treasurer, kapwa ng Brgy. Liong sa Cataingan, Masbate.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ala-1:30 kahapon ng hapon nang maganap ang insidente sa National Highway ng Brgy Tuburan sa Cawayan, Masbate.

Pinagbabaril ang dalawa ng riding in tandem na sakay ng kulay blue na Yamaha motorcycle na hindi naplakahan. Tumakas ang mga salarin patungong Brgy Palobandera, Cawayan, Masbate.

Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.