Kapitan at 9 na Crew ng Fishing Vessel, Suspek sa Pagnanakaw ng mga Isda

KASALUKUYANG ISINASA-ILALIM sa pagsisiyasat ng pulisya ang kapitan at siyam na mga crew ng isang fishing vessel sa Zamboanga City matapos madiskubre sa kanila ang sari-saring hinihinalang ninakaw na isda na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P60,000.

Base sa impormasyon, personal na nagsampa ng reklamo sa istasyon ng pulisya si Elena Ting, may-ari ng GST Fishing Corporation na nakabase sa may Barangay Ayala ng lungsod.

Lumalabas sa reklamo ni Ting, napag-alaman niya na may nagnakaw ng mga isda sa kanyang fishing vessel kaya kaagad siyang nagsagawa ng inspeksyon at dito na nadiskubre na nakatago sa mga locker ng siyam na crew ang sari-saring mga isda.

Mismong sa locker ng kapitan ng fishing vessel na nakilalang si Maximo Sabocojan, 60, ay nakakuha rin ng mga nakatagong mga isda.

Naniniwala naman ang may-ari na kinukuha ng mga salarin ang mga isda at i-binibenta sa labas para may dagdag na kita ang mga ito.

Samantala, pursigido ang may-ari ng fishing vessel na sampahan ng kaukulang kaso ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.