Kapatid ni Ram na si Joseph, Pinaghihinalaang Utak sa Krimen

TATLO NA ANG hawak na suspek ng pulisya kaugnay ng pagpaslang sa kapatid ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na si Ram Revilla sa bahay nito sa Parañaque City noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Parañaque PNP chief of police S/Supt. Billy Beltran, maliban sa tatlo ay may pinaghahanap pa silang tatlo hanggang sa apat na suspek na maaaring may kinalaman sa krimen.

Ayon sa opisyal, anim hanggang pitong katao ang nagplano para patayin ang anak ni dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Bagama’t hindi pa makumpirma ni Beltran ang report na may kinalaman ang ilang kamag-anak ng biktima sa naganap na insidente.

Maaari rin umanong isa sa tatlong hawak nilang suspek ngayon ay ang mismong triggerman na pumatay kay Ram.

Una nang naglabas ng P500,000 pabuya ang pamilya Revilla para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

Malaking tulong sa kaso ang pagkakaaresto ng dalawang sinasabing salarin, ani Sen. Bong Revilla.

Una rito, nahuli ng mga kinauukulan ang dalawang suspek sa pagpatay kay Ram, habang kahapon ng madaling-araw ay inaresto naman ang kapatid mismo ng biktima na pinaghihinalaang utak sa pamamaslang.

Kinilala ito bilang si Ramon Joseph Bautista na nakababatang kapatid ni Ram at sinasabing nakaalitan bago nangyari ang malagim na insidente.

Ang nasabing mga suspek ay hawak na ng Parañaque police at kinilala ang mga ito na sina Michael Altia at Roy Francis Talisora na umano’y kapwa mga hired killers, ayon naman kay Task Force Ramgen head Maj. Enrique Sy.

Tatlo pa umanong kasamahan ng mga ito ang pinaghahanap ng pulisya. Inaasahang isasalang sa inquest proceedings ang dalawang suspek.

Magugunitang, nadamay rin sa pamamaril ang kasintahan ni Ram na si Janelle Manahan na dating finalist sa Star Circle Quest ngunit nakaligtas at ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan matapos na mabaril sa mukha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.