Kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin, indie actor na rin

Ronwaldo-MartinINDIE ACTOR na rin ang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin (ginagamit niyang screen name). Nakadalawang indie films na pala ang binata na ngayon ay 18 years old na.

Lumabas si Ron sa Tumbang Preso at Kasal at ngayon ay kasama siya sa pelikulang Mga Isda Sa Tuyong Lupa (Outcast) na malapit nang simulan ng BG Productions International sa direksyon ni Louie Ignacio.

Si Ron ay bunso sa mga kapatid na lalaki ni Coco. Katulad din siya ng kuya niya na kiyeme at mahiyain. Bago raw niya pinasok ang pag-aartista ay kinausap muna ng manager niyang si Ferdie Lapuz ang Kuya Coco niya para magpaalam. Pinayagan naman daw agad siya ni Coco.

Ayon kay Ron, gusto niya na someday ay maging proud din sa kanya si Coco niya. Umaasa rin siya na makakagawa siya ng sariling pangalan as indie actor.

Para mahasa sa pag-arte, pinanonood lahat ni Ron ang mga past movies ni Coco at mga ginawa nitong teleserye. “Idol ko po kasi si Kuya. Bukod sa mabait talaga siyang kapatid, sobrang galing din niyang umarte,” kuwento ng binata.

Well, good luck Ron… at sana nga ay maging matagumpay ka rin katulad ng Kuya Rodel (real name ni Coco) mo sa pinasok mong propesyon.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleSen. Grace Poe, parehong iisnabin sina PNoy at VP Binay
Next articleKylie Padilla, kay Aljur Abrenica pa rin ang bagsak?

No posts to display