Kapatid ng sikat na female newscaster, sinibak sa trabaho dahil sa pangungurakot!

ANO KAYA ANG reaksiyon ng isang sikat na female newscaster na pinag-uusapan lately ang pagkakasibak sa trabaho ng kanyang kapatid?

May mataas pa namang posisyon sa isang construction firm ang kapatid ng female newscaster na ito. Nadiskubre umano ng kumpanya na over-priced ang mga ino-order nitong contruction materials na naging dahilan nga ng pagkakatanggal nito sa puwesto.

Sa gano’ng usaping kinasangkutan ng kapatid, siyempre pa ay hindi maiiwasang mabahiran nito ang maganda pa namang imahe ng female news personality. Ilang taon din niyang pinaghirapan nang husto ang kanyang katayuan ngayon bilang isa sa pinakasikat, respetado at credible na newscaster ng bansa.

Ito raw sana nga ang dapat naisip ng kanyang kapatid.

Well…

(By Ruben Marasigan )

 

 

loading...

5 thoughts on “Kapatid ng sikat na female newscaster, sinibak sa trabaho dahil sa pangungurakot!

  1. mga tanga pala kayo eh! ang female newscaster ay si korina sanchez
    ang sinibak na kapatid niya ay si bubbles sanchez.

Leave a Reply

Your email address will not be published.