Kapatid at hipag ng gobernador, patay sa ambus

PATAY ANG KAPATID ni Basilan Governor Jum Jainnudin Akbar at asawa nito nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki sa Isabela City.

Kinilala ni Supt Alan Nazarro, chief of police ng Isabela City ang mga biktima na sina  Engineer Basser Jainnuddin at asawang si Hj Amina Jainuddin.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, dakong alas-7:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Basilan State College sa Barangay Sumagdang.

Nabatid na pauwi ang mag-asawa mula sa Isabela City proper lulan nang motorsiklo nang harangin ng mga salarin at paulanan ng bala.

Dead on the spot si Engineer Basser habang idineklarang dead on arrival ang asawa nito sa Infante Hospital sa Isabela City.

Narekober sa lugar ng insidente ang pitong basyo ng bala ng kalibre 45.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.