Kapansin-pansin ang effort at mataas na energy: POKWANG, ‘DI RAW INSECURE KAY MELAI!

THREATENED NA NGA ba si Pokwang sa pagsulpot ni Melai (Melisa Cantiveros ang real name)? Ito kasi ang itinanghal na Big Winner sa nakaraang Pinoy Big Brother. At gaya sa inaasahan, ang paglabas niya sa Bahay ni Kuya ang hudyat ng lalo pang pagbongga ng bagong kabanata sa buhay niya, na tiyak na pag-uusapan ang pagpasok niya sa showbiz.Bago pa man matapos ang PBB, ito na ang naitatanong kay Pokie. Pero, wala siyang ibang sinasabi kundi welcome sa kanya ang mga baguhan, lalo na ang very endearing character na gaya ni Melai. Bongga rin daw kung magkakasama sila sa isang proyekto.

Pero sa Wowowee nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang effort at mas mataas na energy ni Pokie, na pinatutsadahan na siya ni Willie Revillame, na dahil nga raw siguro sa paglabas ni Melai sa Bahay ni Kuya?

Ang maganda kay Melai, may iba pang factors na masarap subaybayan sa kanya, lalo na ang romansa sa pagitan nila ni Jason (Jason Veron Francisco). Natural lang na naaliw at nakisimpatya ang mga manonood ng PBB rito, kaya sila na nga ang makabagong Kim Chiu at Gerald Anderson, mga bagong celebrity out of anonymity dahil sa paglalagi ng 9 weeks sa bahay ni Kuya.

Aliw without really trying ang dating ni Melai, kaya hindi kami magtataka kung may mga nai-insecure na rin nga sa kanya.

KUNG SI LOVI Poe ang tatanungin, ayaw na niyang palakihin pa ang isyu sa mga tsismis na naglalabasan sa kanila ni Ronald Singson. But, finally, Ronald broke his silence. Panalo ang Showbiz Central dito, dahil never na nagpapa-interview o nagpapakilala man lang sa media si Ronald. Napaka-private niyang tao.

Pero, naniniwala si Ronald na kailangan na niyang humantad para naman maipagtanggol si Lovi sa kung anu-anong paninira rito. Sapat na ang paghantad ni Ronald para mailagay sa tama ang mga maling naisusulat at naibabalita tungkol kay Lovi, lalo na sa relasyon diumano nilang ginagamit at pinalalaki lang ng kung sinu-sino.

Just the same, hindi na ginawa ni Lovi na lumabas pa at mag-guest nang live sa Showbiz Central dahil dito. Tama na ‘yung nagkakaintindihan sila ni Ronald, at alam din ng showbiz friends ni Ronald na naaalarma rin ito na nadadawit sa kanegahan si Lovi dahil sa mga tsismis sa kanya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga malalapit at nagmamahal kay Lovi ay tunay na mas humahanga sa ginawa ni Ronald, at kumbaga sa eleksiyon, landslide victory na raw si Ronald, as far as Lovi is concerned.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

9 thoughts on “Kapansin-pansin ang effort at mataas na energy: POKWANG, ‘DI RAW INSECURE KAY MELAI!

  1. aynaku nagkalat mga bashers ni Melai and nang melason dito hahaha.. pero too bad wala na kaung magagawa sikat na sila and no matter what u say, wala kaming pakealam hahaha.. go lang kayo, hindi naman kami ang mapapagod kundi kayo.. nasa samin parin ang huling halakhak wahahahaha.. gogogo melason :)

  2. Payo ko kay Milai, maging cool naman siya at hindi masyadong super hype na parang pinasukan ang kuwan ng sili. Huag na lang mag english dahil baluktok talaga. Mag aral ng Personality Development. Si Jason naman, mag focus din siya sa sarili niya, mag enrol din siya sa Personality Dev., voice lesson. Sa kanila, dont overdo ang pagiging probinsiano/na. Alisin mga bad mannerism. Alisin ang po opo kapag kausap below 50 years old ( ive read this advice in here). Para tumagal at matagumpay ang hinaharap nila. DONT BE INSENSITVE NOT TO UNDERSTAND THIS VALUABLE MESSAGES. Paul

    • bago mo pag sabihan c melay dapat mo munang tingnan ang sarili mo. kung ang pj munga ay humanga kay melai at ni respeto cya kau pa kaya nga tagahanga ni pj. respect nalang kac mag kuya cla hehehe.

  3. bobo naman tong baklang to!!!9 weeks daw!!!!hahahaha…19 weeks ho madam!!!!!!!!….obvious naman talaga na knakabahan c pokie kay melai dahil kung pagsasamahin talagang clang dalawa mas dudumugin talaga c melai noh!!!!…,ang dami2x na yata nang fans ni melai all over the world,.kaya pkie mag impake kana!!!…hala chu!!!..your time is up!!!!…hahaha

  4. actually para sakin pareho lang si melai at pokwang..sobrang funny nila.hindi yung pilit na comedy yung natural lang.i like them.at muka namang magkaibigan sila.sana isama si melai sa banana split no.?give her a segment with pokwang.haha laugh trip pag ganun.yey MELAI and POKWANG!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.