Kapamilya Stars, kinabog ang Kapuso talents sa Bench Uncut Fashion Show

BLIND ITEM: ISANG friend ang nagpasa ng isang video scandal thru Facebook. Inabot kami ng mga isang oras para matapos ang downloading ng naturang video na may running time na 7 minutes at 51 seconds.

Curious kasi kami sa sinasabi ng aming friend kung ang sumisikat na young actor nga ‘yon na itago na lamang natin sa pangalang “Mr. Battery.” (O, ayan, may clue na kayo agad, ha?)

Ano ang laman ng video scandal? (Sundan sa Miyerkules!)

Charing lang! ‘Eto na. Ang laman ng video eh, kinukunan niya ang kanyang sarili habang nagpapaligaya ng sarili. Sa kalagitnaan, habang enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa, pilit pa niyang inaabot ng bibig niya ang kanya na “regular” lang ang size (buti na lang at hindi na siya nag-trying hard. Baka magka-osteoporosis siya at an early age!)

Kamukhang-kamukha niya nga si Mr. Battery. Pero hindi namin kino-confirm na siya ‘yung nasa video, ha? Kamukhang-kamukha lang. Kasi, ‘yung iba nga, sila na nga ‘yung nasa video, nakukuha pa nilang idenay, eh.

Sana nga, hindi siya ‘yon. O, kung siya nga ‘yon, sana nga, “last” na ‘yon.

At bakit tinawag namin siyang “Mr. Battery”? ‘Pag nasagot n’yo ‘yan, kilala n’yo na kung sino ang aming tinutukoy. Or else, ayaw ni “direk” at ni “P-Noy” ng ganyan.

KARAMIHAN NG MGA bading sa Metro Manila ay nasa Araneta Coliseum nu’ng Sabado. Alam n’yo naman, ‘pag may fashion show ang Bench, makasaysayan ito para sa mga bading.

Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa. Kahit siguro ang mga nakapanood, alam nila kung sino ang mga tinilian at mga nakabibinging katahimikan lang ang reaksiyon ng audience.

Kung hindi kami nagkakamali, ang mga tinilian nu’ng iniluwa ng entablado ay sina Coco Martin (na kahit hindi nagpakita ng katawan, tinilian), Dingdong Dantes (na siyang opening), Gerald Anderson, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Jason Francisco.

Kahit si Andrew Wolf, tinilian. Lalo na kamo si Rafael Rosell na dinukot pa ang ari at ibinaba nang bahagya ang underwear, kaya lalong nagtilian ang mga utaw.

Kanya-kanyang eksena, eh. Si Pokwang na kahit bihis na bihis sa kanyang P1 million worth gown dahil pinuno ng Swarovski ay laugh ang mga tao.

Sina Diether Ocampo at Zanjoe Marudo, bongga rin ang reception ng tao. Nagpa-cute pa ang Zanjoe, kaya natawa ang mga utaw. Mukhang itong si Enchong Dee na ang susunod sa mga yapak ni Piolo Pascual.

Si Katrina Halili, kahit may ilang cellulites, in fairness, malakas ang tilian. Ewan kung nagkatitigan sila ng nanonood that time na si Maricar Reyes.

Si Jake Cuenca, kung ano ang mukha sa billboard, hanggang sa fashion show, galit ang mukha. (May problema ba si Jake?) Pero siyempre, sumenyas ang mokong bago umeksit na hindi pa tapos at may gagawin pa siya.

Aba, hinubad ang underwear, kaya tumambad ang kanyang g-string at nag-hello ang kanyang puwet.

Siyempre, tumili ang audience. Pero siyempre ulit, na-preempt na siya ni Wendell Ramos earlier na naka-g-string din at rumampa pa para ipakita to the whole world at kulang na lang ipagsigawan ni Wendell, “Hoy, Jake, nauna na ‘ko sa ‘yo, kaya hindi na masa-shock ang mga tao ‘pag nagpakita ka rin ng wetpu!”

Ang katabi naming bading, nag-side comment: “Bakit hindi rumampa si Jake nu’ng hinubad niya ang undewear niya to flaunt his butt? Baket medyo madilim ang ilaw? Meron bang pinagtatakpang tsismis sa puwet?”

Juice ko, ha-ha-ha! Ang mga bading talaga, nagpakita na nga ng puwet, hindi pa nasiyahan. Ang gusto, irampa pa ni Jake ang puwet niya. Eh, hayaan n’yo na kung steady lang si Jake sa isang puwesto. Magkasya na lang tayo ro’n.

ANG MGA “WALEY” as in hindi tinilian at tahimik na tahimik ang mga tao na ewan namin kumbakit at ano’ng problema.  Kahit ikaw na nakapanood, I’m sure, napansin mo naman siguro na walang tumili at pumalakpak.

Si Ejay Falcon, tahimik ang utaw nu’ng lumabas. Me konti pang tiyan ang lolo kahit huminga pa nang malalim. Si Aljur Abrenica, naudlot ang tilian ng mga tao, dahil “tinakam” lang niya ang audience.

Si JC de Vera, ano’ng nangyari? Tahimik na tahimik ang audience. Sumayaw pa nang bahagya, pero “no reaction” pa rin ang mga utaw. Sina Kris Bernal, John Prats at Sam Concepcion, parang one of those models lang ang dating.

Si Shaina Magdayao na lutang na lutang ang make-up, hindi nakilala. Nu’ng pa-exit, du’n na lang na-recognize ng mga utaw na ‘yun pala ang girlfriend ni John Lloyd.

Kahit sina Victor Aliwalas, Jay-R (The R&B Prince) at Railey Valeroso, nakabibinging katahimikan ang reaksiyon ng madlang pipol.

‘Yun ngang Starstruck at Survivors contestants, hindi rin tinilian.

SA KABUUAN, MAS tinilian ang Kapamilya stars kesa sa Kapuso Stars. Siguro, kahit ang mga executives ng GMA-7 ay aminado sa bagay na ito.

Anyway, nandiyan na ‘yan. Tapos na. After two years uli, I’m sure, gagawa ng paraan ang Kapuso network para mas maingay ang tilian sa mga artista nila.

Saka next time, sana, meron nang video wall para nare-recognize agad ‘yung mga rumarampa. At ‘wag munang e-enter sa rampa ang susunod kung hindi pa nakalalabas ang mga nauna.

Nahilo kaya kami, dahil sa dami ng nagsusulputan sa entablado, naduduling na kami, ha-ha-ha! Pero enjoy, in fairness.

Kaso, may na-miss kaming isang tao ‘pag may Bench fashion show. Si Douglas Quijano.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

26 thoughts on “Kapamilya Stars, kinabog ang Kapuso talents sa Bench Uncut Fashion Show

  1. ito lang masasabi ko…WALA KANG CREDIBILITY>>>>>>>>>…AT WALA KANG SHOW>>>>…WALA KANG TALENT…KAYA…DI KA DAPAT PINANINIWALAAN..YUN NA

  2. oo nga nmn..ogie diaz….eh bat ang yabang mo..eh karamihan sa talent ng abs cbn…ka dugo..at…kalahi ng mga baklang,.tumitili..dun….ayun nmn pala at nabuko na nmn kayo..hahaha..sa direktor nmn pala….eh last year ba sino pinalakpakan…???di b c dingdong dantes ang bida,,,nagwala pa nga c tita annabelle…dahil..dapat anak nya..ang,..mas bongga….hay naku…ang abs cbn,,,,..may sariling,,magazine,..para ifeature mga stars nila,..at sabihing..number one sila….bakit…ang fhm ba sa kapuso..bakit laging number one ang kapuso sa sexiest…???dis yr angel locsin..yah rt..pero..kahit nung kapuso pa sya….no 1 na sya..o ano baklang pangit na ogie>>>???

  3. Paanong hindi kabugin ng Kapamilya ang mga kapuso? Ang isa sa nagcollaborate na director ng Bench Uncut ay si Mr. johnny Manahan, alangan namang bigyan niya ng mas magandang exposure ang kapuso kesa sa mga alaga niya sa ABS, kayo naman wag na magtaka.

  4. hay naku wla nman tlgang say ang mga KAPUSO n yan eh di cla kilala…charrrr e2 nman kris bernal n to feeling sikat…tseeee ngmamaganda…

  5. Haha kawawang mga kapuso. Starlets! Fave mu b ogie c robi? I hate him! Ang panget nya! Wa talent! Payat!

  6. At least kay Ejay Falcon meron pang tumili (aminin mo yan at huwag mong i deny dahil ayaw mo sa kanya) e kay Robi Domingo mo bakit hindi mo sinasabi na parang invisible ni isang tili wala! Hoy Ogre bakla magsabi ka naman ng totoo.

  7. agree ako sayo ngayon ogie doggie! ano ba naman kasi bakit kumukuha ng starlets at pokpok ang bench?????

    si katrina pinalakpakan aba syempre naaala kasi ng mga tao ang sex video nila ni hayden bwahaha! ang galing kaya nya sa kamamay kasamang tunog pa! yung iba naman naki simpatiya lang sa kanya kaya pilit ang pagpalakpak ng mga kamay.

  8. tumama si bakla ngayon. si enchong ang aagaw sa trono ni piolo sa kabadingan.

    pero waley pa rin tili si robi domingo sa bench show. bwahahahaha!!!

  9. ahahaha! how bakla, si robi domingo waley din tili. ang peborit mong starlet di sikat. bwahahahhah!

  10. ano kaya ibig nya sabihin sa “enchong dee is the next piolo pascual?” is this a complement or an insult?

    hehehe parehas lang kasi silang mahilig manggamit ng leading ladies para pag-usapan pero deep down inside leading men pala ang mas …..(secret)

Leave a Reply

Your email address will not be published.