Parazzi Chikka: Kapamilya at Kapuso, pinansin nang galing sa International Emmy’s!

Proud na proud ang mga Pinoy ngayon kay Angel Locsin. Aside from showing real heroine acts noong Bagyong Ondoy relief operations, sa aktingan naman ngayon hinahangaan ang aktres. Nominated kasi siya sa 37th International Emmy Awards para sa pagganap niya bilang Lyka sa Lobo (The Wolf). Kalaban niya ang iba pang aktres na nominado mula sa France, Mexico at United Kingdom.

Pinatunayan naman ng dalawa nating telenobela na magaling talaga tayo sa dramahan. Nominado ang Kahit Isang Saglit nina Jericho Rosales at Carmen Soo ng ABS-CBN at Magdusa Ka na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Katrina Halili sa Kapuso network. O, ‘di ba, parehong telenobelang gawa ng Pinoy ang magkalaban sa isang international award giving body?

Magandang senyales ang pagkakasali ng ating mga kababayan sa Emmy’s. Sana ay magtuluy-tuloy na ang pagningning ng bituin ng mga Kapamilya’t Kapuso natin abroad! Mabuhay!

By Mica Rodriguez

Photos By Mark Atienza, Parazzi Wires and Parazzi Zoon

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Parazzi Chikka: Kapamilya at Kapuso, pinansin nang galing sa International Emmy’s!

  1. ANGEL LOCSIN mapa GMA or ABS ikaw lang ang REYNA……………………………………………….
    ACHIEVER KA TALAGA………………………………….
    lagi mo kaming sinosopresa………………………………….nilagpasan mo yung expectation namin sayo!
    Love ka talaga ni BRO…

    1ST ever young artist ka na nominate for International award during your prime as a big artista…….grabe angel iba ka talaga…..your one of the FEW……breaking the RECORD KA TALAGA EVER………………

Leave a Reply

Your email address will not be published.