Kapamilya actor, minadyik ang nagmumurang taghiyawat!

BLIND ITEM: SABI sa kanta, kapag may taghiyawat sa ilong, malamang, in love ito. Pero paano kung ang nagmumurang taghiyawat e, nasa ilalim ng lips?

Malamang, in love din pero kaya siguro nagkaganu’n e, dahil mas ginagamit ang bibig… sa kuwentuhan!

Sa isang press event na ginawa sa isang coaster e, masayang nakipagkuwentuhan ang Kapamilya actor tungkol sa kanyang past at kung paano siya nagtagumpay. Mahaba ang kanyang kuwento kaya siguro, hindi niya napansin ang kanyang nagmumurang taghiyawat sa ilalim ng bibig na ilang seconds na lang e, mukhang puputok na (pasintabi po).

Siguro, nakita ‘yon ng kanyang handler kaya binulungan ang Kapamilya actor. Ilang saglit pa, tumalikod ang hunk at presto, nawala na sa ilalim ng kanyang bibig ang muntik nang pumutok na pimple.

Saan napunta?

Ayun, kitang-kita ang mala-tuldok na may kulay sa itaas na kanang bahagi ng kanyang T-shirt.

Bigla tuloy nagsalita ang isa sa mga kapatid sa panulat sa likod ng coaster.

“Ay! Nag-magic ang taghiyawat! Pinunas sa T-shirt!” at saka nagkaroon ng mala-echo na bulungan sa mahabang coaster …getz?

NAGKALAT ANG MGA abs, nagputukan ang mga muscles at muntik nang pumutok ang mga “sandata” ng mga celebrities from Kapamilya and Kapuso sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash Fashion Show na ginanap sa World Trade Center last week.

Marami lang ang nakapansin. Bakit kaya mas”hot” at mas pinaghandaan ng mga nameless boylets ang fashion show kesa sa mga sikat na guys sa Channel 2 and 7?

Si Baron Geisler, mukhang nakainom habang rumarampa. Si Guji Lorenzana naman, kita ang mga bilbil sa tiyan. In pernes naman kay Christian Bautista, mas “hot” siya ngayon, huh! Naging bagong crush naman ng bayan ang baguhang si Mark Whittington dahil sa lakas ng tilian sa kanya.

Si Ahron Villena naman, parang bagong kain lang. Sabi naman ng mga bading, mamang-mama na ang katawan ni Carlo Aquino. Puwede na! Si Kean Cipriano naman, kahit payat, tinilian din.

Bongga naman si Sam Milby dahil pinaghandaan niya talaga ang pagrampa kaya naman na-“electrify” sa kanya ang isa sa mga celebrity girlets na si Alessandra de Rossi at si Maja Salvador na una pa man ay inaming si Sam ang kanyang inaabangan.

Dahil sa mga rumampang boylets, nakumpirma rin ng mga kafatid kung sinu-sino ang dapat sumali sa Mr. Gay Philippines next year. Hek-hek-hek!!!

WALANG REASON NA ibinigay ang Olive-C Soap owner na si Jim Acosta kung bakit hindi na sila nag-renew ng kontrata sa PBB housemate na si Ejay Falcon bilang endorser. Basta ngayon, happy na raw sila sa kanilang bagong bagets endorser na si JR de Guzman ng PO5 at BFGF.

‘Kaaliw lang isipin na kung ang ibang binata e, tinutubuan ng ‘sandamakmak na pimples kapag namomroblema sa lovelife e, ‘kaiba naman si JR.

Paano ba naman, kabe-break lang daw nila ng kanyang non-showbiz girlfriend for two years pero fresh pa rin ang kanyang aura. Parang hindi siya affected sa kanilang break-up kahit na aminado siyang nalulungkot dahil sa nangyari.

Si Ejay naman, napansin namin lately na tinutubuan siya ng paisa-isang taghiyawat. Hindi na ba siya nabibigyan ng supply ng sabon kaya ganu’n? Or problema niya ngayon kung paano niya popormahan si Queenie Padilla na pilit nail-link sa kanya ng Dos?

For reaction, please e-mail: mediatouch20002yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

7 thoughts on “Kapamilya actor, minadyik ang nagmumurang taghiyawat!

  1. Napaka non-sense nman ng blind item na ito..
    Pati ba naman pagputok ng taghiyawat eh kailangan pang-isulat.. ke ordinaryo o sikat kang artista, lahat nakakaranas magkapimples!!

  2. people of the philippines and around the world pls. watch oplan zero tambay hosted by hard hitting broadcaster raffy tulfo panoorin nyo po sana para sa mga tambay na walang trabaho at binibigyan ng pagasa para magkatrabaho magandang programa po ito suportahan natin once again pls watch oplan zero tambay tv5 10 30 start of program every sunday pls watch it tnx.

  3. hah? ang pimple biglang kukunin titirisin mo gamit ang damit..di naman pede yun..kasi dudugo yun..ayyyy ewan..imposible naman to..at sino ang kapamilya star? si jerecho ba? kasi may echo eh..ay ewan…this is a crazy blind item

Leave a Reply

Your email address will not be published.