Kapalit ni Verzosa, Kasado Na

TULUYAN NANG NANUMPA ang bagong Philippine National Police chief na noon ay umaming naging bahagi ng Task Force Usig, isang special police group na lumaban upang masugpo ang extrajudicial killings sa bansa noong Martes.

Ang nasabing ika-16 na PNP chief na papalit kay Director General Jesus Verzosa na pormal nang nagretiro noong Miyerkules ay si Deputy Director General Raul Bacalzo na nanumpa na sa kanyang bagong tungkulin bago pa man siya italaga ni Pangulong Benigno Aquino III sa naturang puwesto.

Bago pa ang pormal na turnover rites, opisyal nang inilipat ni Verzosa kay Bacalzo ang Kampilan ni Lapu-Lapu, simbolo ng command and authority sa mahigit 135,000-pwersa ng kapulisan.

Si Bacalzo ay miyembro ng Philippine Military Academy “Masikap” class 1977 at number three man ng PNP bago pa ito italaga bilang pinuno ng pambansang puwersa ng pulisya.

Si Bacalzo ang tumayong regional officer ng Metro Manila’s Criminal Investigation and Detection Group na malaki ang naiambag sa imbestigasyon sa mga suspek sa 2000 Rizal Day bombing kung saan 22 katao ang nasawi.

Nagsilbi rin bilang Director for Investigation and Detective Management (DIDM) si Bacalzo kung saan ipinakilala nito ang makabagong paraan sa crime reporting system at pagbabago sa Criminal Investigation Manual ng PNP.

“I expect everyone to support the new leadership and carry on with the finest tradition of service, honor, and justice in the Philippine national Police,” pahayag ni Verzosa.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.