Kapalit ng pagtulong ni Noynoy Aquino: Sexy Star na Ex, pinagbawalang tsumika sa showbiz friends!

BLIND ITEM: “ITAGA mo sa bato, hindi kita titigilan babae ka! Sobrang kati mo at pati asawa ko nilalandi mo!”

‘Yan ang dialogue ng asawa ng isang sikat na Kapamilya veteran actor habang galit na itinuturo ang litrato ng isang beauty queen na naka-display sa isang boutique.

Dinig din ng shop manager ang sinabi ng wife ng veteran actor na magmo-mall tour daw sila para mapahiya ang beauty queen na kinalolokohan ng kanyang asawa. Kakausapin daw nila ang mga staff ng kumpanyang pinag-eendorsohan ng girlet para makarating sa kanya ang mensahe ng grieving wife.

Op kors, dahil sa nangyari e, nag-research kami sa pinagmulan ng lahat.

Nagkakilala ang girlet at ang veteran actor last year sa Christmas Tree Lighting event ng isang mall sa Manila. Kinuha ni guwapong aktor ang cell phone number ni girlet at saka sila nagpalitan ng mga sweet messages.

E, saan pa ba hahantong ang lahat lalo na kung super-guwaping ang veteran actor e, ‘di sa alam n’yo na, hendehvah?

Clue? Ang balita namin, bago pa nagwala ang asawa ni veteran actor sa mall e, gabi-gabi raw kung mag-date ang mga bida natin. Mega-galing pa kaya sa veteran actor pagdating sa tulis nito sa tsiks? Siguro, wala na. Kahit na tanungin pa natin sha… getz?!

MARAMI ANG HINDI nakaaalam pero isa kami sa mga “piping saksi” nu’ng panahong mag-on pa sina President-elect Noynoy Aquino at ang sexy star-turned councilor na si Barbara Milano.

Pagkatapos manilbihan ni Barbara sa Nueva Ecija, inasikaso niya ang kanyang negosyo pero hindi nagtagal, hindi naging maganda ang takbo ng kanyang finances.

Lagi pa kaming nagkakausap noon at lumalapit sa ilan naming kaibigan para kahit paano e, maisalba ang kanyang naipundar. Nakatulong naman ang mga kaibigan na nilapitan namin pero hindi rin nagtagal ang kanyang pisi. Nagsara na ang maliit na botikang binuksan noon ni Barbara.

Nakapagtataka lang dahil before the election, biglang naputol ang aming komunikasyon. Kung dati-rati e, halos araw-araw kaming magka-text e, biglang hindi na lang siya sumasagot sa aming mga messages at hindi na rin siya matawagan.

Matagal kaming walang nabalitaan kay Barbara, pero recently ay may nagparating sa amin na tinulungan daw siya ni Noynoy pero ang kapalit noon e, ang putulin daw niya ang kanyang komunikasyon sa kanyang mga friends sa showbiz.

Kung totoo man ‘yon, walang masama na tulungan siya ni Noynoy dahil kahit paano e, may pinagsamahan naman ang dalawa. Pero bakit kaya kailangang pagbawalan siyang makipag-usap sa mga kaibigan niya sa showbiz? Hmmm…

Kaya Barang, kung nasaan ka man ngayon at kung totoo na tinulungan ka ni Noynoy e, we are really happy for you… pwamis!!!

INAMIN NI KC Concepcion na kabado siya nu’ng sinu-shoot ang mga eksena nila ng kanyang Papa Gabby sa pelikulang I’ll Be There ng Star Cinema.

Open book naman sa lahat ang naging istorya ng buhay ng mag-ama at ang alam ni KC, lahat ng mga kuwestiyun noon sa kanyang isip e, nasagot na. Pero natakot siya dahil baka may mabuong galit ulit at bumalik ‘yung mga tanong sa kanyang isip.

Mabuti naman at naging peaceful ang mga eksena ng mag-ama. Mabuti naman at parehong nag-mature ang dalawa at closed chapter na ang matagal nilang tampuhan.

At sigurado kami, kung magtatagumpay sa takilya ang kanilang movie sa June 16, ang susunod na tanong ng bayan e, kung kalian naman gagawa ng movie ang mag-ama kasama si Sharon Cuneta, hendehvah?

Aba, sabi nga ni KC e, naging professional silang mag-ama sa kanilang mga eksena. At kung sakali e, puwede rin namang magpaka-professional sina Mega para lang matuloy ang movie na ‘yon, what-dayathink?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

11 thoughts on “Kapalit ng pagtulong ni Noynoy Aquino: Sexy Star na Ex, pinagbawalang tsumika sa showbiz friends!

  1. eow… sabi kasi ang hirap raw tumilag ng peter ni noy… tanging si barbara raw nakatumbok ng kiliti kaya lang nagmamalinislinisan ang mga aquino kesyo bold star raw eh hwag nang idagdag pa sa KLAMIDYA nila!

    TAMA NA RAW ANG STD NI KRIS!!!!!

  2. he he yaan niyo na si president Noynoy, okay nga yan wala siyang inaatupag na asawa para nakatutok talaga siya sa bansa natin. saka na lang lovelife after 6 years pag natapos ang term niya. bata pa naman siya that time, di pa siya senior citizen kaya pwede pa siya makabuntis. at kung wala talaga, may anak-anakan naman na siya si Josh.

    • WWHHATTTT? KAKALOKA NO?!!..HA HA HA (ACTUALY IT’S TRUE, SEKRETO LANG MUNA) ANG LAKI PALA NG ASSET NI BENTONG, GRABE.

  3. B.I
    Cesar Montano -endorser ng Mega Sardines
    Sunshine Cruz -“sha” ang tawag kay Shine ng mga pinsan nya
    Michele Aldana (not sure) – beauty queen

  4. zarah aldana ang nalilink ngayon kay gabby. gabby was asked about zarah during the prescon of I’LL BE THERE. halatang napikon daw si gabby nung tinanong sya about zarah. hope it’s not tue.

    • Zarah Aldana, Mutya nang Pilipinas 2007. Siya ba kaya? Nairita raw si Gabby sa press con nang “I’ll be there” nang tanungin siya tungkol sa isang Zarah. . . Totoo siguro. . .

  5. Clue- Mega at Sha. . .siguro and ex ni Sharon na si Gabby Concepcion. Nasa Philippines ba ang misis ni Gabby? Sino naman ang beauty queen?

Leave a Reply

Your email address will not be published.