Kapalit ng Hamburger Paslit, dinaliri ng seaman

UMIIYAK NA umuwi ng  ta-hanan ang isang Grade V student makaraang idaing nito ang pananakit ng maselang bahagi ng kanyang  katawan matapos umanong dalirutin ng isang seaman kapalit ang isang hamburger sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte City kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay Bulacan PNP provincial director P/Sr. Supt Fernando Mendez, Jr., kinilala ang dinakip na suspek na si Constante Tebia, Jr. Y Banlago, 48 anyos, seaman, at residente ng Magsaysay St., Brgy. Graceville; samantalang ang biktima naman na ay itinago sa pangalang ‘Daisy’, 10 anyos, Grade V student, at kapit-bahay ng suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang pagdaliri sa biktima sa loob ng tahanan ng suspek.

Ayon sa paslit, tinawag umano siya ng suspek dahil ibibigay nito ang binili nitong hamburger. Dahil sa tiwala, pumayag ito na pumasok sa silid. Ilang minuto lang ang nakililipas, bigla na lamang umanong ipinasok ng seaman ang kamay nito sa kanyang short pants at pilit na ipinasok ang malaking daliri.

Nabatid na binantaan siya ng suspek na ‘wag magsusumbong kahit na kanino dahil papatayin siya nito, na labis namang ikinatakot ng paslit.

Dahil dito agad na nagsumbong sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima, kung saan kasalukuyang naka-parking sa isang kainan sa lugar ang suspek nang dakpin ito ng mga pulis.    (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.