Kapalit ng asawa’t anak
Ara Mina, handang talikuran ang showbiz

GUSTO NA raw mag-asawa at magkaanak next year ni Ara Mina. Handang-handa na raw siyang maging asawa at ina. Hindi na raw kasi siya bumabata at alam niyang mahihirapan siyang manganak kapag sobrang tanda na niyang nag-asawa, kaya naman as early as next year ay gusto na nitong magka-baby. “I’m 33 years old already and I want to have a baby next year.”

Handa nga raw i-give up ni Ara ang kanyang showbiz career para sa kanyang magiging pamilya, maraming panahon na raw ang ibinigay niya sa showbiz, kaya naman this time ay kailangan naman niyang bigyan ng oras ang kanyang personal life .

Sinabihan nga raw ito ng kanyang doctor na dapat ay lagi siyang mag-e-exercise para maging physically fit sa kanyang pagbubuntis, para hindi mahirapang manganak.
“May edad na nga raw kasi ako, sabi ng doctor ko. Kaya dapat ay healthy ako at physically fit sa aking pagbubuntis.”

Sa ngayon daw ay pinag-uusapan na nila ng kanyang BF ang planong pagpapa-kasal at pagkakaroon ng anak next year.
KONTI NA lang ang pag-hihintay ng supporters ng Artista Academy fans sa kung sino ang tatang-haling Best Actor at Best Actress sa 6 Students na natira dahil sa Sabado na Oct. 27 gaganapin ang grand finals sa Smart Araneta Coliseum kaya kabado na ang anim na honor students na sina Vin Abrenica, Mark Neumann, Shaira Mae, Sophie Albert, Chanel Morales and Akihiro Blanco.
“Mixed emotions po para sa akin. Kinakabahan po ako kasi ito na po ‘yung last. Marami pa po kaming hindi naipe-prepare. For example po, ‘yung mga performance namin na gagawin, hindi pa po kami nakakapag-rehearse,” ayon kay Vin.

At kahit nga may konting gusot sa pamilya, hindi hinahayaan ni Vin na maapektuhan nito ang kanyang performance, dahil gustung-gusto raw nitong manalo lalo na’t hindi naman daw totoo ang napapabalitang hiwalay na ang kanyang mga magulang.
“Akala po ng iba, naghiwalay talaga na may papers na, separated na, hindi po ganu’n. Parang si daddy po, napag-isipan lang nila, napag-usapan lang nila siguro na si daddy, sa Batangas muna, magku-concentrate muna sa bus-iness namin, tapos po si Mommy, dito naman po.”

 

SIMULA NA ang pinakamalaking unahan ng bayan ngayong Lunes na darating sa The Amazing Race Philippines, hosted by Derek Ramsay sa TV5. Kung saan sobrang maaksyon at pa-sabog ang naging pagpapakilala ng Kapatid Network sa 11 kalahok ng TARP.

Kung saan pina gkagastusan nang husto ang produksiyon nito ng Singko. Kaabang-abang din sa TARP ang magagandang tanawin sa buong Pilipinas na pinuntahan ng 11 contenders na siyang magsisilbing leg o destinasyon ng mga kalahok. Kaya naman tutok na sa Lunes after Wil Time Big Time.
SA LINGGO na, Oct. 28, 4pm sa Mang Inasal Tomas Morato, Q.C. magaganap ang 3rd Grand Fans Day ng isa sa hottest boyband sa bansa  at 2012 Who’s Who awardee for Outstanding Boyband, ang UPGRADE, na kinabibilangan nina Miggy San Pablo, Kcee Martinez, Ron Galang, Mark Baracael, Armond Bernas, Raymond Tay at Rhem Enjavi na hatid ng Aficionado Germany Perfume, New Placenta, Fragrances of the Stars at Ever Bilena.

Magkakaroon ng iba’t ibang games na talaga namang maiibigan ng kani-lang mga tagahang dadalo at makikisaya kasama ang bawat miyembro ng UPGRADE. Bukod pa sa mga pa contest na Scrap Book-Making at Video-Making na naglalakihang prizes ang matatanggap ng mga mananalo.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

One thought on “Kapalit ng asawa’t anak
Ara Mina, handang talikuran ang showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.