KAPAG ‘TINOTOPAK’… SEXY ACTRESS, HINDI SINISIPOT ANG TRABAHONG NATANGUAN!

HINDI NA YATA naubusan ng intriga ang sexy comedienne na si Ethel Booba. After ng madugong ending, as in bugbugan-relationship nito sa cager na si Alex Crisano, ‘eto na naman ito at may bagong kontrobersyang kinakaharap ang hitad!

Iba talaga kung umibig si Ethel. Biruin mo ba namang sunugin ang kanyang condo unit sa Prince Jun Hotel dahil nabuko nitong bading ang kanyang kinakasamang lalaki. Mabuti na lang at naagapan at ang unit lang ni Ethel ang natupok, or else, e baka ang buong building ang natusta. Kaya ang ending, pinalayas daw ito ng may-ari ng building.

‘Kaloka naman kasi itong Ethel, babaeng bading, pero hindi naamoy na bading ang karelasyon niya. Kaya tuloy natanso siya! Hahaha!

BLIND ITEM: SAYANG NAMAN ang sexy actress na ito na mula sa isang malaking TV network. Malaki pa naman ang potential nitong sumikat dahil bukod sa maganda, may angking galing din ito sa pag-arte. ‘Yun nga lang, may pagkaluka-luka raw ito pagdating sa trabaho.

Tatanggap daw ito ng trabaho, pero pagsapit ng araw ng natanguang trabaho, hindi na ito napagkikita at hindi nagre-reply sa text o tatawag man lang. Kaya ang ending, ang nabubul-yawan ng husto ay ang kaawa-awa nitong handler.

Lulutang na lang daw ang sexy actress kapag lumipas na ang ilang araw at naghahanap na naman ng trabaho sa kanyang home studio, lalo na sa kanyang handler na kahit ilang beses nang napapagalitan ay mukhang immune na at dedma na lang sa mga sermon sa kanya.

Pero lately, ayaw na raw i-book ng handler ang sexy actress dahil siya nga naman ang napuputukan everytime na hindi sumisipot ang kanyang amo. Kaya pala minsan-minsan na lang nakikita sa telebisyon ang magandang sexy actress.

TUWANG-TUWA ANG TWEENSTAR na si Bea Binene dahil naging matagumpay ang kanyang katatapos na fans day na ginanap sa SM Sta Mesa last March 12. Daan-daang fans niya ang pumuno sa 4th floor ng mall. Nagkaroon ng games, picture-taking at autograph signing.

Dumalo rin at sumuporta ang co-tweenstar at mga kaibigan ni Bea sa showbiz, lalo na ang mga kasama niya sa teen show na Tween Hearts na sina Kristoffer Martin, Hiro Magalona, Krystal Reyes at ang singer na si Kierulf Raboy.

Sumuporta rin ang mga taga-GMA Kapuso Foundation, Icon, Skechers, Bum, mga ‘tambay’ na tinulungan ni Bea na magkaroon ng trabaho, at ang kanyang Team Bea na lumalaban sa iba’t ibang basketball competition.

NAILIBING NA ANG aming pinakamamahal na Uncle Floresto Fontanilla at sa lahat ng nakiramay at tumulong, maraming-maraming salamat mula sa inyong lingkod at sa kanyang pamilyang naiwanan. Lalung-lalong na kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, na masasabi naming tunay na may puso sa mga kapwa niya Pilipino, taga-Manila man o sa ibang lugar, at la-ging bukas ang palad sa mga nangangai-langan. Kay Mr. and Mrs. Zaldy and Tessa Aquino, kaibigang Arnell Ignacio, GMA Ar-  ist Center, maraming-maraming salamat sa tulong.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “KAPAG ‘TINOTOPAK’… SEXY ACTRESS, HINDI SINISIPOT ANG TRABAHONG NATANGUAN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.