Kapag nagtago sa ibang bansa GMA, pwedeng ipadukot ng gobyerno – Miriam

HINDI AABOT SA isang taon at maibabalik sa bansa ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sakaling magtago ito sa ibang bansa.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago, inihayag nito na maraming paraan upang madala pabalik ng bansa ang dating pangulo.

Sakaling hindi madala si Arroyo sa cancellation ng passport, deportation o extradition, maaari itong ipa-dukot ng Pilipinas sakaling magtago sa ibang bansa, ani ng senador.

Ito aniya ay ginagawa rin ng ibang bansa at magalit man umano ang estado na pagtataguan ng dating pangulo, wala itong magagawa ayon pa kay Santiago.

Subalit alang-alang sa reputasyon, naniniwala si Santiago na hindi na hihintayin pa ni Arroyo na dumating sa puntong ipapadukot na lang ng gobyerno ng Pilipinas at sa halip, kusa itong babalik ng bansa sakaling makalabas upang magpagamot.

Pero nilinaw rin ni Santiago na wala namang dahilan upang magtago si Arroyo dahil wala pa namang kaso na naisampa laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.