Kapag ‘di tinigilan ng intriga Pauleen Luna, lalayasan ang Eat, Bulaga?!

MAS MAHALAGA para kay Pauleen Luna ang katahimikan niya ganu’n na rin ng kanyang mahal na pamilya. Kaya kung nang dahil lang sa isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa ngayon ni Vic Sotto ay patuloy siyang pupukulin ng kung anu-anong intriga at panlalait, malamang na puwedeng mangyari na iwan na rin niya ang Eat, Bulaga, kung saan nga sila magkasama ng daddy nina Danica at Oyo Sotto.

Palagi na ngayong ikinukumpara si Pauleen sa dating karelasyon ni Vic na si Pia Guanio at iyon ay pupuwedeng maging dahilan para magkaroon ng ilangan factor ang dalawang aktres. Magulo rin ngayon ang mga tsika, dahil sa loob ng kanilang programa, kontrobersiyal ngayong pinag-uusapan ang diumano’y pagbubuntis ng EB Babe na si Zaida at nababanggit ang pangalan ni Bossing sa isyung umano’y nakabuntis sa magandang dancer ng show. Natatanong din si Pauleen tungkol sa kanyang reaksiyon sa nasabing isyu, kaya hirap siya ngayon sa mga dapat niyang sabihin dahil baka pagmulan pa iyon ng panibagong intriga.

Mayroong mga nagmamahal kay Pauleen na nasasaktan sa pagbibintang sa kanya, na mayroon daw ipinagagawang magarang bahay ang kanilang pamilya, at naisyuhan ang dalaga ng tsika na hinuhuthutan na niya si Vic. Papaano naman daw mangyayari iyon, samantalang may kaya naman ang pamilya ng magandang aktres, at maganda’t malaki ang kanilang bahay na paulit-ulit nilang ipinapagawa para mas lalo pang pagandahin? Kapag daw patuloy na inintriga si Pauleen, baka iwan nga nito ang EB, dahil nu’ng magkaintrigahan sila ni Kristine Hermosa sa bakuran ng ABS-CBN dahil kay Diether Ocampo, mas pinili niya ang umalis na lang sa Kapamilya Network, para matahimik, kaya nasa GMA-7 siya ngayon.

 

ALAM NI Congresswoman Lucy Torres-Gomez na disenteng babae si Dawn Zulueta, kaya sa dami ng mga babaeng pupuwede niyang pagselosan at ang iba pa nga ay patuloy na nagpaparamdam sa husband niya, wala siyang nararamdamang anumang hindi maganda para leading lady ni Goma sa teleseryeng Walang Hanggan. Alam din kasi ni Lucy na katulad nila ni Richard ay masaya rin ang pagsasama nina Dawn at ng kanyang husband na si Congressman Anton Lagdameo.

Kahit nga si Richard ay tuwang-tuwa kay Lucy, dahil aliw na aliw daw ang kanyang wife sa tambalan nila ni Dawn.  Tsikadora raw si Lucy at kapag hinihingan ng reaksiyon sa tambalang Dawn at Goma, paulit-ulit nitong ikinukuwento sa mga tao, na nu’ng wala pa siya sa showbiz at nagsisimula pa lang siyang maging commercial model, fan na talaga siya ng dating magkarelasyon, sa mga napapanood niyang pelikulang ginawa noon ng dalawa sa bakuran ng Reyna Films ni Armida Seguion-Reyna.

Prangka pero hindi mayabang si Richard. Na talaga namang kahit kasal na sila noon ni Lucy, marami pa ring mga babae ang nagpaparamdam sa kanya at tuksong lumalapit.  Pero napakalaki rin ng kanyang respeto kay Lucy, at bilang asawa ay saludo siya sa panganga-laga nito sa kani-lang kasal. Sobrang maamo at maganda raw ang mukha ng kanyang wife.  Pero hindi puwedeng kuwestiyunin ang pagiging palaban ni Congresswoman kapag ang sarili nitong pamilya ang kinanti ng ibang tao o ng mga babaeng pinagnanasaan pa rin ang matangkad na aktor.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

18 thoughts on “Kapag ‘di tinigilan ng intriga Pauleen Luna, lalayasan ang Eat, Bulaga?!

  1. kung mkahusga naman kayo parang linis nyo na…hindi natin alam lahat oi kung ano ang totoo…ganun pa rin naman kng magsasalita sina bossing magkakaroon pa rin naman ng mga tanong kng totoo…may mga tao talaga hindi kontento sa salita gusto talaga nakikita ang taong nsasaktan…ano gusto nyo umiyak cla ng dugo para sa inyo? mahiya naman kayo…kng sino sa atin ang wla kasalanan…itaas ang mga kamay,,,,gaga!!!!

  2. sobra namang judgmental ang mga tao ngayon talaga. meron yang dahilan ba’t sila ganyan, hindi natin alam ang lahat-lahat. e ano ba kung gusto ni pauleen matanda? me kanya-kanya tayong panlasa, bat nyo itinutulad sa inyo ang lahat ng tao. kayo din im sure marami ding mali sa buhay nyo pero buhay nyo yan at yan ang desisyon nyo, hindi dapat pinapakialaman ng kung sino-sinong wala naman kinalaman sa buhay nyo. matutuo na sana tayong tumanggap na iba-iba tayo. 

  3. Bakit kayo galit kay Pauleen eh siya itong tumatanggi sa gifts eh sina Saida at Pia nakuha sa regalo, Yung tinitirhan ni Pia galing kay bossing at tinitirhan ni Pia at husband.

  4. Idimenda niyo si bossing ng harassment mga EB cohosts except Pia. Ginagamit niya ang posisyon niyo for sex. Nakuha niya si Pia sa pera at hindi niya nakuha si Pauleen dahil si Pauleen eh galing sa pamilya ng may pera.

  5. Tama ka Laura, puwede ngang idemanda ng mga female cohosts si bossing-naku, nakakahiya yan parang noong late 70s nademanda si Bossing ng rape!

  6. Pauleen and mga female cohosts ng EB puwede niyong idemanda si Bossing ng harassment dahil ginagamit niya ang posisyon niya para makipag relationship sa mga female cohosts.
    Except kay Pia dahil umaasa pa rin siya na babalikan siya ni Bossing pag naghiwalay sila ng asawa niya. Tagasalo ni Pia si Bossing-hindi ba may nakalivein na si Pia noon for six years?
    Pauleen, malaki kang kawalan sa EB-nakakasawa na sina Jose and nawawala na kami ng gana kay Bossing-he is using his position!

  7. From day one I heared the issue of Vic and Pauleen – I really want to vomit, disgusting! YAKS These guys should have delicadeza being in the limelight especialy Vic Sotto he is more than old enough to act according to his age. It seems that grils in Eat Bulaga including the lady boys, like Allan and Paolo are in the queue – In my opinion Pia was the perfect girl for him – she was a full package. It only shows that Vic has black intentions to all women that comes in his life. He must remember that he has daughters and it never miss when Karma starts to strikes- it always hits the target.

  8. anu vha mga vaklush..e kasi naman nga itong si vic e masabi lang na working pa ang nota eh kung sino sino na lang ….hahahahha… masabi lang…pero wah na anu vah???? mga vaklahh…disperse! 

  9. e di umAlis sya…nabuo ang eat bulaga na wala sya di rin mawawala ang eat bulaga kung mawawala sya..kung wala talaga relasyon pwede naman sabihin wala diretsshan..pag ganyan dami paliwanag at kung ano ano pa dinadaldal meron yan..kahit sino kasi ma involve kay bossing ayaw ng tao lalo na sya napakabata para kay bossing..at subok na rin kc ng tao na kapag naging babae ni bossing nagiging nega at primadonna daig pa yung ung totoong TVJ kung mag aasta like pia g. noon..

Leave a Reply

Your email address will not be published.