Kapabayaan ng Jail Officials, Dahilan ng Pagkamatay ng Bilanggo sa Marikina

KINASUHAN NG criminal charges ang dalawang jail guards na nakabase sa Marikina City Jail, matapos masawi ang isang bilanggo dahil sa isang riot na naganap kamakalawa.

Sapat umano ang naging basehan para kasuhan sina JO1 Joel Anthony Domingo at JO3 Zaldy Carale, ayon kay Marikina City Police Chief S/Supt. Gabriel Lopez.

Dahil umano sa kapabayaan ng mga jail guards, kung kaya’t nauwi sa riot ang pag-rereklamo ng mga bilanggo sa paghihigpit ng inspeksyon at pag-alis ng ilan sa kanilang pribilehiyo.

Agad pinalitan ang warden na si S/Insp. Nicanor Ambahan dahil sa command responsibility. Si C/Insp. Gregorio Acacio naman ang ipinalit sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.