Kanto Boys, ‘di kayang tapatan si Binoe?!

OLA CHIKKA! NAGPAALAM na nga noong Biyernes itong kinabaliwang host ng Wowowee sa loob ng dalawang linggo na si loverboy Robin Padilla. Naging madamdamin ang kanyang pamamaalam dahil talagang napasaya niya ang buong staff at mga manonood dito hanggang sa ibang bansa. Ngunit dahil nga sa conflict ng kanyang schedule, kailangan niyang umalis sa show. Nagpasalamat ang Wowowee sa pagsama sa kanila ni Binoe.
Kamakailan lamang, napabalita na si Cesar Montano ang susunod sa yapak ni Binoe sa pag-host ng Wowowee. Ngunit noong nakaraang Sabado, itong Kanto Boys na sina John Lloyd Cruz, Luis Manzano at Billy Crawford ang nag-host sa show. Tamang si Cesar ay magho-host sa Wowowee ngunit hindi pa nasasabi ng network kung kailan.

Naging masaya naman ang paghohost ng Kanto Boys dahil sa kuwela at pagpapatawang ginawa nila. Mas masaya sana kung pati si Papa Vhong Navarro ang naroon, ngunit dahil sa conflict ng schedule niya sa pagho-host ng Showtime,
hindi makukumpleto ang Kanto Boys sa Wowowee.
Kilala sila sa pagpapatawa gamit ang kanilang karisma at pagpapa-cute ngunit sadyang hindi nila kayang tapatan ang dating nitong si Binoe, kahit pagsama-samahin nila ang puwersa nilang tatlo.

Kunsabagay, sino ba si Binoe para ikumpara sa kanila? Ang sa akin lang, kung papipiliin ako kung sino sa pagitan
ng Kanto Boys at si Binoe ang pipiliin, malamang si… Willie!! Ha-ha! Oh my gosh! Excuse me pow!! Siyempre si Papa Binoe, ‘noh!

NALOKA NAMAN AKO sa isyu rito kay Sheryl Cruz regarding sa pang-aagaw raw niya umano ng asawa. Kamakailan lamang ay na i-blind item na siya sa column ng isa nating kaparazzi (Ronnie Carrasco III) at ang detalye ay kumpleto na. Ayon sa ating kaparazzi ay itong si Sheryl daw ay nakikilaguyo sa isang lalaking may asawa at anak na inimbitahan pa raw ni Sheryl ang babae upang maka-chikahan.

Depensa naman ni Sheryl, hindi niya magagawa ‘yun at ayaw niyang gumawa ng kahit anong eskando pa na alam niyang makasasakit din sa kanyang ina. Mabuting kaibigan daw nila ang lalaki at hindi totoong mag-asawa sila ng babaeng nagdidiin kay Sheryl, sadyang ama lamang siya ng anak nito. Hmmm… so ano ba talaga Sheryl?
Nang-agaw ka nga ba talaga o hindi?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong male host-actor na noon pa man ay napapabalitang pusong babae? Korek! Una pa lang ay may chikka na isa talaga siyang bading, ngunit naglaho agad ang chikka nang ma-link ito sa isang female actress na mala-anghel ang mukha. Ngunit muling nabuhay ang chikka nang maghiwalay raw sila umano at ma-link na ngayon sa male co-artist daw.
Oh, ‘di ba, bading na bading? At mas lumalala pa ang isyu dahil nitong nakaraan ay umaabot na sa ibang level ang pagkabading daw niya dahil sa pagpatol sa mga girlaloo na artista. Tama! Nang-aaway na rin siya ng kababaihan.
Bonggascious! Maldita na rin ang effect niya! Sino itong male host-actor?! Hello!!
Kung hindi n’yo pa nahuhulaan ay tatamaan na kayo sa akin. Suwerte n’yo na lang kung makaiwas kayo! Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSheryl Cruz, itinangging nang-agaw siya ng asawa!
Next articleLaging nakabuntot: Gay talent manager, takot maagaw ng ibang bading ang indie actor! *new*

No posts to display