Kanselasyon ng 2 Partylist Group, Inihahanda ng Comelec

INIHAHANDA NA ng Commission on Elections (Comelec) ang kaso para makansela ang akreditasyon ng dalawang patylist group kasunod ng makailang ulit na paglabag sa campaign rules.

Sinabi ni Comelec Chair Sixto Brillantes na posibleng isampa na ng Law Department ng Comelec en banc ang kaso laban sa Kabataan partylist at LPG Marketers Association (LPGMA) batay sa kanilang nakalap na ebidensiya, sa susunod na linggo.

Samantala, hindi magsasagawa ng pagdinig at presentasyon ng mga ebidensiya at impormasyon na magpapatunay ng paglabag ng dalawang grupo kabilang ang oversized campaign materials at wala s alugar na pagkakalagay ng mga ito.

Ayon pa kay Brillantes, ilang beses nilang binigyan ng pagkakataon ang mga ito ngunit nagmatigas ang mga ito kaya napilitan na silang ituloy ang paghahain ng kaso para makansela na ang mga akreditasyon ng Kabataan at LPGMA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.