Kanseladong int’l flights nadagdagan dahil kay Odette

DUMAMI PA ang bilang ng international flights na nakansela dahil sa epekto ng bagyong Odette.

Ayon sa pinakahuling advisory ng Department of Transportation and Communications (DOTC), kasama na rito ang mga biyahe ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Cathay Pacific na karamihan ito ay may biyaheng Manila patungong Hong Kong.

Kanselado na ang apat na biyahe ng PAL na Manila-Guangzhou at Macau bunsod pa rin ng masamang lagay ng panahon.

Samantala, patuloy pa rin umanong makararanas ng “moderate to occasionally heavy rains and thunderstorms” ang buong Metro Manila, Mimaropa at Calabarzon area dahil sa bagyo.

Patuloy na pinaiigting ng bagyong Odette ang epekto ng habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa mga apektadong lugar, ayon sa Pagasa.

Pinag-iingat din ang mga nakatira sa mga apektadong lugar sa posibilidad ng mga pagbaha at landslides dulot ng nasabing mga pag-ulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.