Kanong Nanunog ng Bahay, Bigong Matigok sa Suicide

MATAPOS MAKULONG dahil sa ginawang panununog sa bahay ng kanyang biyenan, nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg, kaliwang braso at tiyan ang isang American citizen sa loob ng kanyang selda.

Sa report  kay Bulacan Police director Senior Supt. Fernando Mendez Jr., bandang alas-6:15 ng umaga, nakita umano ni PO3 Florante Lasco ang biktimang si Scott Eugene Harper, 42 anyos, divorced, American citi-

zen, at residente ng Brgy. Maasin Galas, San Rafael, BUlacan na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang selda.

Agad na dinala ang biktima sa Rugay Maternity and General Hospital para malapatan ng agarang lunas.

Nakuha naman sa loob ng selda ng biktima ang dalawang razor blade na may mantsa ng dugo, dalawang pirasong bond paper na may nakasulat na suicide notes at ballpen.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng San Rafael Police.

Matatandaang noong Sept. 20 ay tinangkang sunugin ng biktima ang bahay ng kanyang biyenan sa Brgy. Maasin Galas bandang alas-2 ng hapon.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.