Kano, Niratrat sa Loob ng Coffee Shop

PATAY ANG isang Amerikano matapos pagbabarilin sa loob ng pagmamay-ari nitong coffee shop sa Better Living, Parañaque City alas-8:00 kahapon ng umaga.

Sinabi ni Col. Andrei Felix, hepe ng Parañaque police na dead on arrival sa Parañaque Doctors Hospital si Jeff Watts, 62-anyos na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.

Pinasok umano ng lalaking naka-bonnet ang coffee shop at pinagbabaril sa ulo ang biktima.

Samantala, mayroon namang isa pang salarin na naghihintay sa labas na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing  krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.