Kano, Binoga sa Loob ng Bahay

ISANG SINASABING American citizen ang binaril at napatay ng isa sa limang hindi nakikilalang suspek sa loob ng bahay ng biktima sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Santos ang biktima na si Richard Myers, nasa edad na 20 hanggang 30 anyos, at kasalakuyang naninirahan sa #69 Tirad Pass kanto ng M. Ponce St, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Base sa pinagsamang ulat nina PO2 Enrique V. Pangan at PO2 Romel L. Bautista, mga imbestigador ng SIDMB at mga may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng una sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dumating ang mga suspek sa bahay ng biktima at pagkakita rito, isa  sa mga suspek na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril ay kaagad na binaril ang biktima na tinamaan sa bunganga.

Kaagad na namatay ang biktima sa lugar mismo ng pinangyarihan ng insidente habang mabilis na nagsitakas ang limang hindi nakikilalang suspek dala-dala ang ginamit na baril sa krimen.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang mga pagkakakilanlan sa mga suspek at para malaman din ang motibo ng pamamaslang.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.