Kanino nga ba? bininyagang bata, ‘di raw anak ng kilalang personalidad; ‘di rin daw anak ng sinasabing ‘ina’?!

NAKAKALOKAH ANG MGA turn of events. Unang lumabas ay bininyagan ang anak sa iba ng isang kilalang personalidad. Idinenay ng nanay ng bata na anak ‘yon ng naturang personalidad. ‘Yun daw laging kasa-kasama ni Mr. P ang siya raw ama ng bata.

Hinihiling ng iba na magpakita naman ‘yung tatay talaga ng bata kung totoong hindi ito anak ni Mr. P. Pero wala namang maipakita. Kahit nga yata picture ng ama ng bata.

Ang latest naman na nakarating sa amin, totoong hindi anak ‘yon ni Mr. P at ang nakakalokah pa, hindi rin ‘yon anak ng naturang babae.

Sasambulat din ang katotohanan. Para Raw itong isang teleserye, promise.

So, kaninong anak ‘yon?

‘Wag n’yo sa aking ibintang ‘yan, ha? Apat na po ang anak kong babae, hahahaha!

(By Ogie Diaz)

Previous articleGeneral Danilo Lim, tunay na astig!
Next articleSunPIOLOgy 2012

No posts to display