KANINO MAGSUSUMBONG?

DITO PO SA Middle East ay matagal nang inirereklamo itong isang POLO (labor attache) dahil sa kanyang masamang pakikiharap sa mga OFW. Isusulat ko po sa hiwalay na sulat ang detalye ng kanyang pang-aabuso. Pero balita po nami’y malakas siya sa DOLE kaya di-maalis. Kanino pa po kami puwedeng magsumbong laban sa kanya?—Digna ng Malabon City

ANG POLO AY nasa ilalim ng DOLE kaya puwede kayong dumiretso ng pagsusumbong doon. Pero kapag nasa abroad ang isang POLO, siya ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DFA sa pamamagitan ng embahador natin doon. Kaya puwede ka ring magsumbong sa DFA para kagyat na maaksyunan ang inyong reklamo.

PUWEDE PA BANG BAGUHIN ANG KONTRATA?

Dumating na po ang kontrata ko para sa abroad. Kaya lang po ay may napansin akong ilang bagay na dapat baguhin, lalo na ang may kinalaman sa tirahan o lod-ging namin. Maaari po ba akong magmungkahi ng pagbabago sa kontrata?

Dennis ng Zamboanga City

PUWEDE. BAGO KA pumirma sa kontrata, tiyakin mong naintindihan mo ito at kai-langang kusang-loob ang pagpirma mo. Kung may mga reserbasyon ka, maaari mo itong iparating sa employer. O kaya naman, makipagkonsulta ka sa POEA para matulungan ka sa pagpapasok ng mga mungkahi mong pagbabago basta makatuwiran ang mga proposal mo.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

One thought on “KANINO MAGSUSUMBONG?

Leave a Reply

Your email address will not be published.