Kandidatong Epal, Sasampolan ng Comelec

MAHIGPIT ANG babala ng Commission on Elections (Comelec) laban sa mga epal na kandidato na tatakbo para sa 2013 midterm elections lalo na sa nalalapit na campaign period para sa national level.

Sinabi ni Commissioner Christian Robert Lim na balak nilang magkaroon ng test case laban sa mga epal na pulitiko upang maipakitang seryoso ang Comelec laban sa mga pasaway na kandidato.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9615, nakasaad na may hanggang Pebrero 11 ang mga kandidato maging ito man ay incumbent official, na alisin ang kanilang mga mukha o pangalan sa mga tarpaulin na nakalagay sa mga public structures.

Kaugnay nito, pagbawalan na rin ang posters sa labas ng mga itinalagang common poster area gaya ng mga paaralan, barangay hall, health center, waiting shed, highway, sasakyang pag-aari ng pamahalaan at iba pa sa pagsimula ng kampanya.

Samantala, umapela naman si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa publiko na tumulong sa pag-monitor upang matiyak na susunod ang mga kandidato sa itinakdang campaign rules.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.