Kandidato sa Pagka-Mayor, Binoga Habang Nangangampanya

DEAD ON arrival nang dumating sa Central Luzon Doctors’ Hospital ang kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng San Jose sa tarlac makaraang barilin ng isa sa apat na armadong lalaki, habang nasa campaign sortie sa Sitio Sta. Cruz, Brgy. Iba kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Regional Director P/Chief Supt. Edgardo Ladao, kinilala ang nasawing biktima na si Rudy Abella, 74 anyos, kandidato sa ilalim ng partidong Lakas-CMD, residente ng Brgy. Burgos, habang sugatan sa ligaw na bala si Marites Pineda.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril habang nangangampanya sa nabanggit na sitio.

Ayon sa mga saksi, katatapos lamang magbigay ng mensahe ng runningmate ng biktima na si Judy Laursano nang maganap ang pamamaril.

Nabatid na kasunod na sanang magsasalita si Abella nang lapitan umano ito ng dalawang armadong lalaki at walang sabi-sabing pinaputukan ng limang beses kung saan dalawa ang tama ng bala sa ulo at 3 naman sa kanyang dibdid, kung saan nadamay ang mga tagasuporta nito sa nabanggit lugar.

Ayon pa sa mga nakasaksi, apat na katao na lulan ng mototrsiklo na pawang armado ng maikling kalibre ng baril ang nasa likod ng pamamasalang.

Ayon naman kay Tarlac PNP Provincial Dir. P/Sr. Supt. Alfred Corpuz, nasa mabuti nang kalagayan ang isa pang biktima, bagama’t patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Tarlac PNP.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.