Kampo ni Vhong, OK sa pagiging state witness ng ilang akusado

APRUBADO SA kampo ni Vhong Navarro ang pagiging state witness ng ilang akusado, kaugnay sa kaso ng pambubugbog sa TV host-actor.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong, nirerespeto nila ang nasabing development, basta handa lamang magsabi ng katotohanan.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na isa sa mga akusado ang nag-apply na maging state witness sa kaso.

Handa umanong idetalye ng nasabing testigo ang “Oplan Bugbog” na pinlano ng grupo ni Cedric Lee.

Dagdag pa ni Mallonga, hindi na ito bago sa kanila dahil simula pa lang, bukas naman sila sa sinumang gustong magtestigo.

Bagama’t ang kanyang kliyente umano ang magdedesisyon kung tatanggapin ang pagiging state witness ng akusado.

(PARAZZI REPORTOREIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.