Kampo ni Vhong Navarro, inaasahan na ang mga ilalabas pang kaso ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee

Vhong-NavarroNGAYONG ARAW pala ang continuation ng preliminary investigation ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro sa Department of Justice.

Dapat na dumalo na raw ang dalawang kampo, pero si Vhong yata hindi muna pupunta dahil hindi pa rin siya handang makaharap ang mga kinasuhan niya.

Pero kailangang dumating daw sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at mga kasamahan nito dahil hindi pa sila nakapagpakita sa DOJ, eh.

At least si Vhong nakapunta na doon at isinumite na niya ang mga dapat isumite para maimbestigahan ang kaso.

Sabi ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, maraming developments daw ang kaso at may mga ebidensya pa raw na maglalabasan para mapatunayang totoo ang lahat na mga salaysay ni Vhong.

Kaya lang ito namang kampo ni Deniece, may mga inilabas pang ibang rape case laban kay Vhong.

Merong isang Roxanne Acosta raw na nagsampa ng rape case din kay Vhong na ginawa raw sa kanya dalawang taon nang nakararaan.

Hay, naku! Sabi nga ni Direk Chito Roño, ini-expect na raw nilang linggu-linggo may mga ganu’ng isasampa laban kay Vhong kaya hindi na sila nagugulat.

Kasi naman lalong nadidiin ang kampo nina Deniece at Cedric kaya kung anu-anong paninira pa ang inilalabas laban kay Vhong. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.