Kampo ni Tulfo: legal ang transaksyon

INAMIN NG kampo ni Erwin Tulfo na nakatanggap siya ng pera mula sa National Agribusiness Corporation (Nabcor) pero iginiit na hindi ito ilegal.

“Hindi naman payoff ang tawag do’n e, binayaran siya, advertising expenses, doon sa radio station,” ayon sa abogado ni Tulfo na si Nelson Borja.

“Legal ang transaksyon,” pahayag pa ni Borja.

Base sa sinumpaang salaysay ng mga opisyal ng Nabcor na sina Victor Cacal at Rhodora Mendoza isiniwalat nilang nakatanggap sina Tulfo at Carmelo del Prado Magdurulang o mas kilala sa Melo Prado ng P245,535 bilang suhol mula kay Department of Agriculture Secretary Arthur Yap noong taong 2009.

Lumapit sina Cacal at Mendoza sa Department of Justice para maging state witness sa pagsisiyasat sa kontrobersyal na PDAF scam na pinangunahan umano ng tinaguriang scam queen na si Janet Lim-Napoles at kinasangkutan nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.

Kabilang ang dalawang opisyal ng Nabcor sa mga kinasuhan ng DOJ ng plunder at malversation sa Ombudsman.

Nais namang kasuhan ng kampo ni Tulfo ang pahayagang naglabas ng report tungkol umano sa pagtanggap ng suhol mula sa Nabcor.

“That is malicious, that is libelous, and that is damaging, especially sa status in Erwin Tulfo,” dagdag pa ng abogado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.