Kampo ni Sofia Andres, may paliwanag sa ‘snub’ incident sa Myx Music Awards 2018

Sofia Andres

NILINAW ng Star Magic, ang management company ng kontrobersiysal na si Sofia Andres na hindi totoo na ayaw niya magpa-interbyu sa red carpet ng MYX Music Awards 2018 na ginanap last week sa Araneta Coliseum.

Kausap namin si Thess Gubi, head ng publicity and promotion ng naturang departamento ng ABS-CBN before the weekend at nilinaw niya ang impresyon ng maramingmga bloggers na nag-cover ng naturang event.

“Clarification lang, hindi lahat ng mga stars na dumatings a event dumaan sa red carpet,” paglilinaw ni Thess sa amin over a phone call.

Ang rason, may kanya-kanyan gmga sponsors ang mga artista nila kaya hindi pwede dumaan at mag-pose sa media board kung saan doon sila iniinterbyu ng mga bloggers dahil yong event daw malamang hindi ini-endorso or competitor ng sponsor ng mga artista nila.

Ngayon na nilinaw na ang isyu on Sofia’s “pangi-isnab” at hindi pagpapa-interbyu sa MYX event ay harinawa’y matapos na ang mga naglalabasan na mga isyu.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleKAHIT “PLUS SIZE”: Karla Estrada, happy sa pagiging mataba
Next articleDANIEL PADILLA IS A FUTURE FILM DIRECTOR!

No posts to display