Kampo ni Richard Gutierrez, deadma sa airport issue – Gorgy’s Park

TAHIMIK SI RICHARD Gutierrez sa isyung pagwawala nito sa airport ng Cebu Pacific nang pinagsarhan na sila ng pinto ng naturang airlines na lilipad patungong Kuala Lumpur.

Nagsimula lang ito sa blind item pero nabanggit na sa PEP na si Richard nga iyun at ang matagal nang rumored girlfriend niyang si Jewel Mische ang kasama nito.

Ayaw nang patulan ito ng kampo ni Richard dahil obviously, hindi naman nakatutulong lalo na’t may pelikula itong Patient X at special sa GMA-7 News and Public Affairs.

Katatapos lang ng magandang isyu sa kanya nang pagsagip kay Cristine na ka-partner niya sa Patient X kaya pakiusap sa amin ng ilang taong malapit kay Richard, huwag na lang patulan, alang-alang kay Tita Annabelle.

Dahil na nga kay Tita Annabelle na mabait naman sa amin ay hindi na lang namin ito kinakalkal.

[ad#post-ad-box]

Pati si Jewel ay hindi rin sumasagot sa aming mga tawag, at naintindihan naman namin ito para huwag na ngang lumaki ang isyu.

Naawa na kami kay Jewel dahil wala namang pinag-uusapan sa kanya kundi ang nakatagong girlfriend ni Richard.

Sana mabigyan naman siya ng magandang project ng GMA-7 para meron naman siyang pinagkakaabalahan.

Abala naman siya sa pag-aaral pero nangako naman si Jewel na kaya na niya itong i-manage sa schedule niya kaya ilang beses na nga siyang nakiusap na sana mabigyan na siya ng magandang project ng GMA para hindi naman pawang kay Richard lang ang isyu sa kanya.

Vice-Mayor Herbert Bautista, threatened kay Willie Revillame?

KASAMA NI SEN. Bong Revilla ang Q.C. Vice Mayor Herbert Bautista sa pamimigay ng relief goods sa tatlong barangay sa Novaliches kamakalawa at sa gitna ng naturang activity, natanong namin kay Herbert kung ano ang naramdaman nitong posibleng makakalaban daw niya sa pagka-Mayor si Willie Revillame.

Hindi pa naman nagdeklara si Bistek na Mayor ng Q.C. ang tatakbuhan nito pero iyun na ang usap-usapan at biglang naisingit ngayon si Willie sa mga tatakbo dahil tila may interes din daw itong pasukin ang pulitika.

May pagka-nega nga lang ngayong si Willie kaya tuwing sumasama nga ito sa mga lakad ni Sen. Manny Villar, may mga nag-react na hindi raw nakatutulong si Willie sa mga lakas ng nabanggit na presidentiable.

Pero malaki ang tiwala ni Sen. Villar kaya madalas niya itong isinasama lalo na sa mga pag-iikot nito sa mga probinsya at minsan ay pamimigay rin ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Napagdudahan tuloy na baka siya raw ang kukuning running mate ni Sen. Villar, pero tinitiyak naman ng mga taga-Nacionalista Party na hindi raw talaga.

Kaya Mayor ng Quezon City naman daw ngayon ang tatakbuhan ni Willie. Wala pa namang sagot si Willie tungkol diyan pero hindi gaanong paborable ang reaksyon ng karamihan.

Reaksyon naman ni Vice Mayor Herbert, lahat naman daw ay welcome kung sino ang tatakbo kaya okay lang naman daw sa kanya kung sakaling si Willie ang makakabangga nito.

Marami pang matitinding makakalaban si Herbert kaya tingin ko naman hindi si Willie ang pinangangambahan niyang makakalaban nang mahigpit.

By Gorgy’s Park

loading...

31 thoughts on “Kampo ni Richard Gutierrez, deadma sa airport issue – Gorgy’s Park

  1. pasikat na naman si Bong at bistek kasi malapit na eleksyon.

    Isip isip muna bago boto. wag iboboto ang artistang mahilig sumawsaw sa mga isyu.

  2. Tama kayo nasaan si annabel rama na mahilig magbunganga at manira, mahilig magdimanda dahil mayaman na raw sila. Ang pagiging palenkera hindi na maaalis sa kanya miski balutan mo ng diamond. Si Richard talagang basugelero at mayabang. Asan din si Ruffa na tanggol ng tanggol sa kapatid na baluktot, bakit hindi ngayon magsalita ng magsalita sa show nya. bakit tahimik yata sila. dahil TOTOO, TOTOO AT TOTOO di ba. Duon na lang sa namtay na PA ni Richard. barya barya lang ang gusto nilang OFFER OF SETTLEMENT dahil alam nilang desperate yung mga tao at hirap na hirap sa buhay kaya kung LAITIN NI ANNABELL ganoon na lang para bumigay sa gusto nila. Imagine ang gusto nila 3 years lang na income noong namatay at MONTHLY PA, EH ASAN YUNG PRESS RELEASE NILA NA HINDI PABABAYAAN YUNG MGA NAIWAN LALUNA YUNG MGA ANAK. asan yung pagaaaral. Yung bang 3 years ay enough na para mabuhay sila forever. Ibalik nila yung namatay para eto ang magtrabaho , dahil yung 3 years is not enough to sustain them for life. Sana makatagpo si annabell ng mayamn na makakalabn nila para lumuhod din sila at sana matikman nila yung maghirap.
    Jun Lalain tigilan mo na ang pagiging bayaran ng mga Gutierez, have a heart for the victim , don’t ruin your name for them. Are they paying you millions to redeem them. Enough is enough for annabel. Downfall is waiting for her.

  3. bagay na bagay sila ni Jewel

    Isang palaos na at isang di man lang sumikat hahaha

    Kailagan itambal uli si Richard kay Angel or kay KC para bumango ang pangalan. Dapat lang itago nya sa dilim si Jewel dahil alang kadating dating at walang star quality

    Yun na!

  4. ANG PANGET NYONG LAHAT YUNG NAGCOMMENT NANG DI MABUTI !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!SIKATO////////////////////HJBHJDFHBVHHDFBVHFNB

  5. Bakit walang hold departure order ang BI dito? Siguro nga meron kaya nagawala siya~ Kasi nga hinarang ng customs immigration sa NAIA. Of course dinedinay RG and Jewel ang katotohanan para hindi dehins! Haaay RG you can run but you CAN’T hide!!Pandora’s Box talaga ito!

  6. kung di totoo ang insidenteng to, maingay pa sa armalite ang bibig ni anabel rama sa kadadakdak at demandahan agad for 30M againgst pep and ogie diaz… e since totoo, deadma na lang, kunyari walang nangyari.. di makapagdemanda kase may mga records na pwedeng gawing evidence…poor gutz fam!

  7. HAYYYYYYYYYY NAKU NMAN MAGLABAS KASI KAYO NG EBIDENSYA AT NG PANIWALAN NMAN KYOOOO ASANN BA ANG VIDEO ANG PICTURES ILABASSSSSSSSS NYO KC NAMANNNN!!!!!!!!

  8. ayaw nila nang interview kasi lahat ng nangyari sa airport eh totoo, lalabas kasi na kahiya-hiya si rg kaya di kailangang ipagtanggol ni madir kasi wala na siyang makakatwiran, he he he, andoon daw si rg sa mel & joey eh kung check talaga yung list ng cebu at maginvestigate pa sila eh nandoon yung magjowa na richard at jewel, haaayy puro kayabangan at malaki na talaga ang ulo ng batang yan akala nya kasi sikat sya at may pera kaya na nyang magmura ng kahit ordinaryong tao lang, walang respeto sa iba, haaay naku makarma sana lang ha.

  9. hay tahimik sila kasi may ebidensya eh…… naku…pamilya gutierrez talaga sucks………… at ang mga bayaran na writers naman ay tumahimik rin kasi may balato na sila…hahaha talagang walang credibilidad mga writers dito lalo na yang si cristy fermin…. kung ibang artista kaya ang nasa isyu at walang perang nabibigay sa writers dito tatahimik rin kaya ang mga writers na ito???naku naku naku

  10. magsorry na lang kasi si Richard sa mga pagkakamali niya at isipin niya ang social responsibility bilang artista at trusted endorser ng mga consumer products control niya temper niya

  11. itong pamilyang gutierrez, pag may ginawang hindi maganda kulang na lang kung hindi ipasok sa safety vault para hindi mangamoy. pero kung gusto nilang sirain ang isang tao, may press release kaagad lalo na ang ina nilang imburnal ang bibig.

  12. baliw talaga mga nagcocomment ngaun tahimik ang tao dmi nyo sinsbi pg ngsasalita snsbi nyo tumigil na..Tama ang sabi nila pinoy ang pinakatsismosong nilalang sa balat ng lupa…

  13. c jewel po ang tumatanggi sa mga projects na
    ibinibigay sa knya ng network nya…kesyo
    abala sya sa skul atbp…shes pretty but malamya…alang dating (un lng!!!)

  14. ahahaha DEADMA KASE TOTOO KASE KONG MERON PANGRESBAK SI ANABIL NAKO NUNG ISNAG ARAW PA PUMUTAKPUTAK AHAHAHA. ANG BAYOT NA RAYMOND PA TWITTER PA. TWEET ATA ANG IBIG SABIHIN NYA AHAHAHA. TOTOO BA NA ANAK NI JUN LALIN SI BAYOT MOND? AHHAHAHAHA

  15. pno kaya ulit ppbanguhin ng siyete ang pngalan ni richard dpat pag-bakasyunin muna c annabelle bilang nanay…. dapat yung mga me plano kumandidato mag-artista muna prang gnun labanan ngayon sa pinas kya walang nangyyari maganda sa bansa showbiz and politics mag-kalevel na so cheap..

  16. Panalo na si Herbert kung sakali huwag ng magambisyon ang iba ang mga taga QC matatalino sa pagpili ng bobotohin subok na. Hindi kami tanga para iboto si Willie, A public servant should be a good model in his constituent and it’s very clear that Willie isn’t one. Sorry willie magsimula ka siguro sa baranggay patunayan mo muna na sincere ka. LOL

  17. Siyempre dedma lang siya dahil may kaso siya ngayon and at the same time lalabas ang tunay na ugali na mahirap itago pag nabibigla. Kanino ba magmamana kundi sa ina na palenkera at mayabang.

  18. Deadma ..KASI TOTOO!!!
    Pag nagsalita pa sila, mabubuhol ang lubid at baka hindi sila makawala.

    Herbert Bautista. Huwag kang matakot. Eh ikaw nga itong nakapag aral at me magandang naipakita na ugali eh. Kaya mo namang bigkasin ng tama ang TWO, DI BAH? Huwag na huwag mong bibigkasin ng CHOO, HUH…O KAYA TSOO..

    • so do you mean hindi totoo ang ibang issues na super dakda ni anabel…. hmp… so pagkakasabi mo, para mo ring sinabi na sa lahat ng issues against richard, ito lang ang totoo, others are not…

Leave a Reply

Your email address will not be published.