Kampo ni Lacson, nanunuhol Mancao, Pinababaligtad

IBINUNYAG NI DATING police official Cezar Mancao II ang aniya’y “pamimilit at panunuhol” sa kanya na bawiin ang kanyang akusasyon laban sa dati niyang among si Senador Panfilo Lacson na itinuturo niyang mastermind sa Dacer-Corbito murder case.

“There were emissaries. As you know, we have many common friends,” pahayag ni Mancao sa mga mamamahayag matapos ang may isang-oras niyang pakikipagpulong kay Justice Secretary Leila de Lima sa opisina nito sa Department of Justice (DoJ) sa Maynila kahapon.

Gayunman, naninindigan si Mancao sa kanyang mga pahayag sa korte at aniya, patuloy siyang lalaban.

Sinabi pa ni Mancao na galing umano sa kampo ni Lacson ang suhol, bagama’t hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye kaugnay nito.

Kasama ang kanyang abogadong si Ferdinand Topacio, hiniling ni Mancao na makipagpulong kay De Lima matapos na tangkain umano ng National Bureau of Investigation (NBI) na ikulong siya noong Biyernes ng gabi dahilan umano sa paglabag nito sa Witness Protection Program (WPP).

Inamin naman ng NBI ang kanilang pagkakamali at hiniling kay De Lima na isailalim sa pangangalaga ng mga security agent ng WPP si Mancao.

Ayon kay Topacio, binabayaran si Mancao ng milyong piso kapag bumaligtad ito sa kanyang sinumpaang salaysay. Gayundin ang pagtuturo sa iba bilang mastermind ng Dacer-Corbito double murder.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.