Kampo ni ER Ejercito, pinapaasa lang ang mga hampas-lupa?!

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakaloka, kasi talagang painit na nang painit ang pulitika, lalo na ang tumatakbo sa lokal na position.

Tulad na lang ng napakainit na labanan sa pagka-gobernador ng Laguna na tumatakbo ngayon para kalabanin si Asyong Aksaya itong si Cong. Egay San Luis.

Kasi nababasa ko sa site nila sa FB na kung magparatang itong kalaban ni Egay ay puro kasinungalingan, samantala hindi niya muna tingnan ang performance niya bilang gobernador ng Laguna, kung maganda at maayos ba? May nagsabi nga sa akin na napaganda raw ang kapitolyo. Pero ang tanong, gumanda rin ba ang kabuuan ng Laguna?

Sabi nga ng sinasabi niyang hampas-lupa o maralita, talagang nganga sila kasi laging paasa itong gobernador na la-ging late sa takdang ibinigay na oras. Tulad na lang ng kasagsagan ng baha nu’ng nakaraang habagat na napakarami nang naghihintay sa kanyang mga kababayan para sa relief goods na ipamamahagi sa mga hampas-lupa.

Kasi kabilin-bilinan ni Gov. na ‘wag ipamigay hangga’t hindi pa siya dumarating. 11 am nagsimulang maghintay ang mga hampas-lupa. 8 pm na, wala pa ang Gov. Tumawag ang pinagkakatiwalaan, sagot ni Gov. “sige paghintayin mo lang, darating na ako, nakikipag-inuman pa ako.”

11 pm, wala pa rin. Kumontak ulit, kasi hindi pa rin nag-uuwian ang mga hampas-lupa. Sumagot uli si Gov. “sige parating na ako. Hindi mag-aalisan ‘yang mga hampas-lupa na ‘yan, kasi mga patay-gutom ‘yan at talagang maghihintay ‘yan sa akin. Bayaan mo silang maghintay.”

Ayun, inumaga sa kahihintay ang mga tao, walang dumating na gobernador. Natulog sa sobrang kalasi-ngan. Kaya kinabukasan na ng hapon dumating ang Gov. at nadiin pa rin ang sinasabi niyang mga hampas-lupa.

May isang pakawala na nagngangalang Danilo San Luis, kung saan ginamit ang apelyido ni Egay para siraan nang siraan si Egay na nagpapanggap na kamag-anak siya ni Egay. Pero ang totoo niyan, wala silang kamag anak na nagngangalang Danilo San Luis.

Kaya ang payo ko sa inyo, piliin n’yo nang mabuti ang talagang tapat maglingkod sa inyo na hindi puro kayabangan ang nasa isip. Dapat ‘yung may prinsipyo at malinis ang hangarin sa taong bayan, tapat at mabilis ang serbisyo sa inyo at tunay na taal na taga-Laguna. Hindi ‘yung nagmamaliit lagi sa mga hampas-lupa. Kaya kayong maralita ng Laguna, magkaisa kayo para ibagsak ang taong mapaghamak sa mga hampas-lupa. Aywan ko, may kilala naman akong artista na marunong gumalang at rumespeto sa mga hampas-lupa tulad ni Gov. Vilma Santos ng Batangas na ka-ticket ni Egay para sa matuwid na daan.

Sana matauhan na po itong mga taga-Laguna, ‘wag na kayong palilinlang sa isang bolerong kandidato. ‘Yun na!

 

AT SIYEMPRE hindi naman tayo magpapaawat sa isang celebration ni Marion Aunor last night na naimbitahan ako. Kaya lang, hindi ako nakapunta dahil may programa ako sa Pinoy Radio UK. Pero nu’ng napanood ko sa video, infairnes, tumataas talaga ang balahibo ko sa performance niya.

Talagang iba ang aking nararamdaman nga-yon, lalo na’t naka-graduate na siya sa Ateneo de Manila. Mas importante rin kasi ‘pag pumasok ka sa showbiz ay nakatapos ka na.

At siyempre, sinelebreyt din niya ang pagkapanalo niya nu’ng nakaraang Himig Handog bilang 2nd runner-up. Sabi nga ng mga anak ko, napaka-down to earth daw ni Marion. Hindi raw mahirap i-approach, dahil lagi lang naka-smile at talagang kahit sila ay bumilib kay Marion. Lalo raw nu’ng kinanta niya ang talagang mararamdaman mong galing sa puso na If You Ever Change Your Mind.

In fairness naman du’n, isisingit ko lang ng napanood ko pa sa video, may isa pang kumanta na ang galing din naman ng talent niya, ‘yung kapatid niya na si Ashley. Hindi rin nagpaawat dahil nagustuhan din ng croud ang singing performance niya, talagang napasigaw rin ang mga tao ng ‘more’.

Bonggang talaga ang anak ni Lala Aunor. Kaya ang masasabi ko lang, mana-mana lang ‘yan. In fairness, at siyempre isa pa sa celebration last night ang ire-release na ring album niya this coming April. Kakaiba rin kasi ang album niya, karamihan sa kanta niya ay composition niya, kaya naman hindi talaga magsisisi ang Star Records sa pagtanggap o pagpili sa kanya. Marami na rin ang naka-line-up for sure kay Marion.

S’yempre, isa lang ang masasabi ko, congra-tulations and keep up the good work!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Kampo ni ER Ejercito, pinapaasa lang ang mga hampas-lupa?!

  1. ASYONGDEMONYO ho ang hari ng kadiliman dito sa Laguna.masyadong marami syang inagrabyado tao sa likod ng kanyang la laguna at propagandang pakitang tao  na dapat nyang pagbayaran.MASAMANG TAO SI ASYONG. karakter ang babasihan natin sa ating inihahalal.sobra ng pagkakadala namin sa taong yan.samahan kami ng mga chairman at ex chairman na na masyado nyang binalasubas at binastos.

  2. pagmasdan nyo kung makipagusap yang si asyong, ni hindi makatingin ng direcho sa mata…tanda ng kawalan ng katapatan at sinceridad!

  3. Talagang napakaraming sinalbahe yang si asyong dito sa Laguna…wala syang kamalasakit malasakit sa taong bayan lalong lalo na sa nakakarami at maliliit. Palibhasa dahil sa kung saang lupalop sya nagmula, dumapo lang sa laguna , dumayo at magsamantala.maraming nagsasabing supplier sa manila na balasubas yan at dispalkador pa. napakarami nyang di binayarang suppliers nuong 2010 bago sya tumakbong gubernador…;lahat ng ipinambabayad sa mga personal nyang binibili ay puro cheke ng municipalidad ng Pagsanjan…pati grocercy kamo sa bahay at mga ginamit nya nung kampanya…walang kahihiyan sa katawan. nakakalungkot na nagpaloko minsan sa kanya ang buong lalawigan, nakaisa sya, pero ngayon di naman tanga ang mga tao dito bagsak na yang si asyong…ang demonyo ay di maghahari kailanman…ang hilig mambabae muna at ito ay galing na rin sa mga nakapaligid sa kanya na kaya yan parating late, mga babae muna ang inaatupag…walang walang pakundangang magpahintay at pahalagahan ang oras ng ibang tao. grabe ang pagkakadala sa kanya…Sana ikahiya naman sya ng angkan nyang nasa pulitika rin naman dahil nakakadiring makapamilya ang isang kagaya ni asyong…buking na buking na ng tao kung anong klase sya…masyadong mayabang at arogante…magpa drug test ka muna! ang asal nya at ginagawa ay walang wala sa katinuan…nakakahiya sa buong lalawigan na nagpapaloko tayo sa isang pulitiko/actor na napakababa ng pagkatao at mga bagay na pinapahalagahan…pati angkan nya nadamay sa [pagwawalanghiya nya…grabe ang pagka abusado sa paggamit ng pondo para sa sarili, habang ang kahirapan ay patuloy na di nya mabigyan ng pansin laman. inuuna nya ang pagpapasikat at paghari harian…pagkatao ni asyong na walang kalaman lamat  at puro kabababawan…dami mong niloko masyado, pati suppliers na tinanggapan mo ng advance na pera di mo naman nabigyan ng kontrata…napakadami nuon, bayaran mo naman at ibalik ang mga inuna o inadvance mong bayad…marami rami yon at kabuhayan na nila ang mga tinangay mo. inapi mo silang masyado….mga drug addicts na lang at luko luko ang boboto sa yo…ibabagsak ka ng mga ginawa mo.

    • When I was invited to inaugurate a facility in Pagsanjan together with Gov. ER, he was nowhere to be seen after three hours past the schedule without an advise kung anong oras ba siya darating. Sana magpadala na lang ng representative kung di makarating sa oras. INIWAN ko ang event, iniwan ko si ER. Kung walang respeto sa iyo, huwag mo rin respetohin.

  4. parang hindi naman totoo ang mga sinabi mo kay e.r.. yung sinabi ‘kamo niya na maghintay lang ang mga hampaslupa. ang tingin ko sa sinabi mo ay paninira. paano mo nalaman na ganun siya
    magsalita?

  5. Wish ko lang matalo tong saksakan ng yabang na ER nato. Mayaman daw ang angkan ng mga Ejercito, pweeeee kapal ng mukha. Kundi ko pa nabasa na baro at salawal lang bitbit mo ng matuntong ka sa laguna. Matalo ka sana at lahat ng angkan mong kumakandidato rin. Marami na kayo nakurakot sa kaban ng bayan. Lubayan nyo na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.