Kampo ng Militar sa Masbate, Pinasabog ng NPA

ISANG PAGSABOG ang naganap sa mabundok na parte ng Brgy. Cañares, sa bayan ng Batuan, Masbate, na 50 metro lamang ang layo sa bagong detachment ng RPSB 2nd Maneuver Platoon bandang alas-11:30 kamakalawa.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa pangunguna nina SPO3 Julio L. Cantre at P/Insp John Divino Pelea, nakita sa pinangyarihan ng pagsabog ang isang hukay na may 30 pulgadang dayametro ang lapad at siyam na pulgada ang lalim.

Na-recover din sa lugar ang pira-pirasong steel bars na mula sa hindi pa malamang klase ng lata.

Naniniwala ang pulisya na isa itong improvised explosive device (IED) na ginamit ng mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na umano’y agad ding tumakas pa-

punta sa direksyon ng Brgy. Rizal, ng naturang bayan.

Nangyari ang pagsabog na limang kilomentro rin ang layo mula sa Batuan Municipal Police Station.

Wala namang nai-report na nasawi o nasaktan sa nangyaring pagsabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.