Kampanya Kontra ‘Epals’, ‘Di Ningas-Kugon – Comelec

SINIGURADO NG Commission on Elections (Comelec) na hindi magiging ningas-kugon ang kanilang kampanya laban sa mga pulitiko na lumalabag sa batas kaugnay sa nalalapit na halalan.

Una rito, pinagpapaliwanag na ng Comelec ang ilang senatorial candidates at party-

list organizations dahil sa kanilang mga illegal campaign materials at iba pang “gimik” sa pangangampanya.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na nag-deploy na sila ng mga tauhan para alamin kung binaklas na ng mga nabanggit ng mga kandidato ang tinukoy na mga iligal na posters at campaign materials ng mga ito.

Matatandaan na nagbabala na ang poll body na kung magmamatigas umano ang mga ito sa maling paraan ng kampanya ay kasong paglabag sa Fair elections Act ang kanilang ihahain laban sa mga naturang grupo at indibidwal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.