Kampanya Kontra Droga, pinaigting sa Navotas

MATAPOS ANG mata-gumpay na drug raid sa Tangos, Navotas noong nakaraang linggo na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong drug pusher at apat pa sa paggamit ng Shabu sa tulong ng Philippine Drugs Enforcement Agency ay lalo pang pinaigting ng pamahalaan lungsod ang kampanya kontra sa illegal na droga.

Ikinakalat na sa buong lungsod ang mga posters at tarpaulin na may kasamang contact number ni Navotas Mayor John Rey Tiangco upang mapagsumbungan ng mga mamamayan laban sa mga iligal na gawain lalo na sa droga.

Nabatid na noong nakaraan linggo ay nakatanggap ng text ang Text Mo Kay Mayor ng talamak na bentahan at gamitan ng Shabu sa Roldan St., Tangos ng lungsod.

Idiniretso na ni Tiangco ang reklamo sa PDEA at sa isinagawang pagsalakay noong Hunyo 5, 2012, alas-5 ng umaga ay nadakip sa pagbebenta ng Shabu sina Roberto Gozon; Boy Celin at ka-live-in na si Mylene Cahandig, habang sa paggamit naman nadakip sina Macario Dela Cruz; Rudy Acuin; Alvin Bautista; Robert Cortez; at Phillip Dela Cruz, pawang nasa mga hustong gulang at mga residente ng Roldan St., Tangos ng lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.