Kampanya Kontra Dengue sa Navotas, Pinaigting

LALO PANG PINAIGTING sa Navotas City ang mahabang kampanya kontra Dengue nang ilunsad ito kahapon ng umaga at tinaguriang “Juan at Liga ng mga Barangay versus Dengue”.

Katuwang ni Navotas City Mayor John Reynald Tiangco ang 14 na punong barangay sa nasabing lungsod para masugpo at maiwasan ang naturang nakamamatay na sakit.

Sa katatapos lang na 39th Morbidity Week ng Center for Health Development ng Department of Health, nasa ikalawa ang Navotas City mula sa 17 iba pang LGUs sa Metro Manila na may mababang bilang na naitalang kaso ng Dengue

Base sa talaan ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), lumiit kumpara sa nakalipas na taon na mula 667 at sa kasalukuyan ay 549 dahil sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon at kaalaman ng City Health Department ito ay dahil na rin sa tulong ng alkalde.

Sinabi pa ni Mayor Tiangco, para maiiwas sa sakit na Dengue ang mga residente at bumaba ang bilang ng kaso rito, na-kipag-ugnayan na rin siya sa DoH na magsagawa ng regular inspeksyon at magpakalat ng pagbobomba sa mga lugar kung saan may posibilidad na may kasong Dengue.

Sa ginawa namang inspeksyon ng City Health Office, lima sa 14 na barangay ay posibleng may kaso ng Dengue: ang Sipac-Almacen, Tangos, San Jose, North Bay Boulevard South, San Roque at Daanghari. Itinakda na rin ang pagbobomba rito simula October 20, 21, 24, 25, 31, alas-6:30-10:00 ng umaga at sa bandang hapon naman ay alas-3:00-6:00 ng gabi.

“The best way to fight Dengue is to prevent it by protecting ourselves from mosquito bites. We advise everyone to maintain the cleanliness of their surrounding and observe proper hygiene,” dagdag pa ni Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.