Sugod Shooting: Kambal sa Uma: RaRATratin ang hapon n’yo!

Ang Pinoy Komiks novel na Kambal sa Uma na isinapelikula noong 1979 ay mapapanood na sa telebisyon ngayong Abril. Ang pelikulang pinagbidahan noon ni Rio Locsin, pagbibidahan naman ngayon ng dalawa sa brightest stars ng kanilang henerasyon na sina Melissa Ricks at Shaina Magdayao.

Kung takot kayo sa mga daga, aba’y mas dapat n’yong subaybayan ang Kambal sa Uma sa Hapontastic ng ABS-CBN at baka ma-overcome n’yo na nang tuluyan ang inyong takot. Itong bagong aabangan na serye ay tungkol sa kambal na sina Ella at Vira na mga kalahating-tao at kalahating-daga kung saan hindi sila tanggap sa lipunan dahil sa kanilang hitsura.

Mula komiks, pelikula, at ngayon nga ay magiging isang TV series na, asahan nating magkakaroon ng konting twist mula sa orihinal na istorya. Sa drama-fantasy series na ito, abangan natin ang pakikipagsapalaran ng kambal sa uma.

Photos by FERNAN SUCALIT

Sugod Shooting
by Jean Oli

loading...

One thought on “Sugod Shooting: Kambal sa Uma: RaRATratin ang hapon n’yo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.