Kambal na Fetus, Idinispatsa sa Basurahan

NATAGPUAN NG isang solid waste advocate ang kambal na fetus sa isang basurahan sa Barangay Mamaga, Balili, La Trinidad, Benguet.

Habang pinaghihiwalay ni Nora Felipe ang nabubulok at hindi nabubulok na basura nang mapansin ang isang plastic na puno ng dugo at nang buksan niya ang plastic ay tumambad sa kanya ang tinatayang anim na buwang kambal na fetus.

May nakapulupot pang rosaryo sa dalawang fetus.

Agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga operatiba ng La Trinidad Municipal Police.

Dinala muna ang mga fetus sa isang pagamutan sa munisipalidad saka inilibing sa malapit na sementeryo.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabas na maaaring hindi residente sa naturang barangay ang nagtapon sa mga fetus.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan para alamin kung sino ang nagpalaglag at nagtapon ng mga ito.

Samantala, mahaharap sa kasong Parricide at habambuhay na pagkakakulong ang sinumang mapatutunayang nagkasala.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.