Kambal, Kritikal sa Kainuman

KAPWA KRITIKAL ang kambal na barker matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng mga saksak sa katawan sina Angel Cruz, 33 at Joseph Cruz, 33 kapwa ng C. Cordero st., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na Toto.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga, kainuman ng kambal ang suspek sa Edsa kanto ng Morning Breeze Subd., ng lungsod nang magtalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang kambal bago tumakas ang una habang dinala naman sa MCU ang mga biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagtatalo ng kambal at suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.