Kamay ni misis, kinarit ni mister

NASA OSPITAL ngayon ang isang 26-anyos na misis matapos itong bugbugin at putulan pa ng kanang kamay ng sariling mister sa Barangay San Carlos, bayan ng Sta. Marcela, Apayao.

Ang nasabing biktima ay itinago sa pangalang Anna habang nadakip naman ang salarin na si Dominic Assistin Pugal, 38, magsasaka at kapwa nakatira sa naturang barangay.

Ayon kay Cordillera PNP spokesman P/Senior Supt. Davy Vicente Limmong, naitala ang insidente dakong alas-8 ng gabi kamakailan matapos na mag-away na naman ang dalawa na nauwi sa pambubugbog.

Sa gitna ng pag-aaway ng dalawa ay tinangka ng ginang na sunggaban ang karit na panggapas ng palay upang  gumanti sa kanyang mister pero naagaw ng salarin.

Agad namang kinarit ang kamay ng biktima saka tumakas ang suspek pero nadakip naman ng mga awtoridad sa inilatag na operasyon.

Sa ngayon, nahaharap  sa kasong kriminal ang salarin habang naghihimas ng malaming na rehas sa himpilan ng pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.