Kamay ng 12-Anyos, Kinain ng Thresher, Putol

NAPUTOL ANG kaliwang kamay ng isang 12-anyos na lalaki matapos maipit ng makina ng thresher sa may Claveria, Misamis Oriental.

Kinikilala ang naturang  biktima na si Alexis Cabaynon nakatira sa Punong, Claveria ng nasabing lalawigan.

Sinabi pa ng mga magulang ng biktima na tumulong sa kanila ang anak sa paglalagay ng bagong aning palay sa thresher at wala silang kaalam-alam na ipinasok ng biktima ang kanyang kamay sa makina dahilan upang nakain ang  kaliwang kamay nito.

Dali-dali namang pinatay ng operator ang makina subalit hindi na nila ito naagapan.

Samantala, patuloy pang ginagamot  sa Northern Mindanao Medical Center ang naturang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.