Kamara, Iimbestigahan ang PCG sa nasawing Taiwanese Fisherman

Paiimbestigahan Ng minorya sa Kamara ang umano’y pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taiwanese fishing vessel na ikinasawi ng isang Taiwanese fisherman.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na kahapon ay naghain sila ng resolution upang siyasatin ang naturang shooting incident matapos nitong makausap ang isang grupo ng mga Taiwanese officials.

Ayon sa mambabatas, ang apela sa kanya ng isang Taiwanese mission ay agad na sampahan ng kaso ang mga tauhan ng PCG na mapapatunayang umabuso sa kapangyarihan.

Ito ay dahil sa lumalabas umano sa imbestigasyon ng Taiwan na malaki ng tatlong beses sa PCG boat ang barkong pangisda ng mga Taiwanese na sinasabing pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa Balintang channel sa Batanes.

Paliwanag pa ni Suarez na mahirap banggain ang mala¬king barko at baka hindi umano masyadong convincing ang paliwanag ng Pilipinas na kaya nila binaril ang fising boat ay dahil gusto nilang takbuhan ang barko ng PCG.

Bukod dito mas mabilis nang ‘di hamak ang PCG boat na nangangahulugan na madali itong makaiiwas sakaling tinangka nga ng Taiwanese vessel na banggain ang barko ng PCG.

Samantala, kabilang sa ipinaabot ng Taiwanese mission ang tinamong 54 na tama ng bala mula sa mga tauhan umano ng PCG.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.