KAMARA, “SINAKOP” NG MGA LADY SOLON

ETSA-PUWERA ANG MGA kalalakihang mambabatas sa regular session ng House of Representatives noong Marso 14.

Bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng International Women’s Day, nanguna ang mga lady solon sa sesyon ng Kamara de Representantes.

Pinangasiwaan ito ni Pangasinan Rep. Maria Georgina “Manay Gina” de Venecia, maybahay ni dating Speaker Jose de Venecia Jr. habang ang umaktong majority floor leader, taga-roll call, tagapanguna sa panalangin at iba pang gawain sa Kamara ay pawang mga kababaihan.

Aabot sa 218 mambabatas ang dumalo sa natu-rang sesyon.

Kabilang naman sa unang sampu na nagbigay ng Priviledge Speech sina Bulacan 4th District Rep. Linabelle Ruth Villarica;  Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla, 1 Ang Pamilya Partylist Rep. Reena Concepcion G. Obillo at Cebu 1st District Rep. Rachel Delmar.

Sumentro ang priviledge speech ng nasabing mga lady solon sa role o ginagampanan ng kababaihan at pamilya sa pamayanan.

Kabilang sa binigyan-diin ng mga babae mambabatas ang pagkilala sa kagalingan ng kababaihan, proteksyon sa mga nakahahawang sakit, kondisyon sa trabaho lalo na ang mga ina.

Bago ang regular session na nagsimula ng 5:00 ng hapon, isang programa patungkol sa kababaihan ang itinanghal sa South wing lobby ng Batasan Complex.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.