Kamag-anak ni Bistek, iniuugnay sa Lotteng King ng Kyusi

INIUUGNAY NGAYON SA ‘kingpin’ ng illegal gambling sa Quezon City, na nagnga-ngalang Don Ramon, ang isang matandang kamag-anak ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista. Si Don Ramon umano ang tumatayong ‘Lotteng King’ ng Kyusi at siya umanong binigyan ng basbas ng naturang kamag-anak para payagan ang lahat ng mga gustong magbukas ng iligal na sugal sa Kyusi.

Matagal na umanong putok na putok ang pagpapadrino ng kamag-anak na ito ni Bistek sa lahat ng mga iligal sa Quezon City, tulad nga ng mga pasu-galan at prostitusyon.

Imposible umanong hindi alam ni Bistek ang mga pinaggagawang ito ng kanyang kamag-anak, at dahil tila walang ginagawang aksiyon ang nasabing mayor, iniisip ng mga residente na may basbas din niya ang mga iligal na gawain ng nasabi niyang kamag-anak, at hindi niya ito kayang sawa-yin.

Isa pang ginagamit umano na pangalan  ni Don Ramon, bukod sa kamnag-anak ni Bistek, ay si Gen. Elmo San Diego, da-ting QCPD director at ngayon ay head ng Department of Public Order and Safety ng Quezon City. Ginagawang panangga umano ni Don Ramon ang pangalan ni San Diego. Ipinangangalandakan umano ni Don Ramon sa mga awtoridad na kamag-anak niya ang misis ng retiradong general at dating QCPD director. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.