KALURKEY NAMAN ANG isang discreet na indie film director dahil akala namin ay disente ito pagdating sa kalalakihan, pero nakakabaliw ang tsika sa amin ng isang source

KALURKEY NAMAN ANG isang discreet na indie film director dahil akala namin ay disente ito pagdating sa kalalakihan, pero nakakabaliw ang tsika sa amin ng isang source, na si Direk pala ay may kakaibang trip pagdating sa lalaking type niya – na artista niya sa ginagawa nitong movie sa ngayon.

Out-of-town kasi ang location ng indie film na ginagawa ni Direk. Sa casting pa lang, nahirapan na siya sa paghanap ng lead actor, mereseng may pangalan na o baguhan pa lang, basta swak sa character: matipunong barako, probinsiyano ang dating.

Hanggang sa finally ay nag-audition ang isang baguhang hunky actor na nagmo-model na rin sa TV commercials, ramp, at bikini shows. Si Hunky Newcomer ay brusko talaga, lalaking-lalaki, moreno, at nakakaarte naman, at nakalabas na rin sa ilang indie films.

Si Direk ay sa indie scene nakilala at napapansin naman ang kanyang mga obra, pero hindi nga siya ‘yung tipong gay na all-out, kundi discreet. Since out-of-town, nagagawa ni Direk ang kanyang gusto, pati na ang ‘hidden desire’ sa type niyang guy na tipong elyang-elya siya.

Panay raw ang tsansing nito sa Hunk Newcomer, grabe kung makayakap, at makapulupot. Mismong si Hunky Newcomer ang nagkukuwento sa aming source, at hindi nga raw siya makapaniwalang magagawa sa kanya ‘yun ng respetado pa man ding direktor sa indie scene, pero tila ‘matindi’ ang tama nito sa hombre, huh!

“Nandidiri na nga siya sa ginagawa sa kanya ni Direk,” kuwento ng aming informant. “Kaso, wala naman siyang magawa dahil bukod sa nasa probinsiya sila eh, lead role ang ibinigay sa kanya, as in magandang role sa pelikula, pero hinahayaan na lang niya.

“Pero hanggang doon lang, yakap-yakap, gano’n, wala nang sumobra pa roon. Ibang usapan na kasi ‘yun, ‘no! ‘Di naman pa-booking ‘yung guy,” sey ng source.

Kahit kami’y nagulat sa chikang ito. Kapag nagpa-presscon siguro ang movie in the months to come, maamin kaya ng Hunk Newcomer ang nasabing tsismax na may “pagnanasa” sa kanya si Direk?

May nilabasan ng isang gay indie film ang baguhang hunky actor, samantalang napapansin na rin ng award-giving bodies ang movies ni Direk.
(Mell  Navarro)

loading...

2 thoughts on “KALURKEY NAMAN ANG isang discreet na indie film director dahil akala namin ay disente ito pagdating sa kalalakihan, pero nakakabaliw ang tsika sa amin ng isang source

Leave a Reply

Your email address will not be published.